Gobyerno ng Japan malapit na nakikipag-ugnayan sa mga bansang Estados Unidos at Timog Korea

Plano din ng Japan na maging handa , magbantay at patuloy na subaybayan ang sitwasyon dahil maaring lumala ang tensiyon sa pagitan ng dalawang bansa kung patuloy na gumawa ng karagdagang probokasyon ang North Korea.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspGobyerno ng Japan malapit na nakikipag-ugnayan sa mga bansang Estados Unidos at Timog Korea

Ang Gobyerno ng Japan ay malapit na nakikipag-tulungan sa mga bansang Estados Unidos at South Korea, upang mapag-aralan ang mga kadahilanan ng North Korea sa pag-buwag ng isang Inter- Korean Liaison Office.

Pinasabog ng North Korea ang tanggapan sa Hilagang bahagi ng Border City sa Kaesong, nitong Martes. Pahayag ng South Korea, matapos ang pagbabanta ng Pyongyang na magbibigay ng agarang aksyon sa pagpayag ng kanilang bansa na magpakalat ng mga anti- pyongyang leaflets ng mga defector sa nasabing border.

Itinuturing ng Gobyerno ng Japan na ang nasabing insidente na hindi hahantong sa pag-aaklas militar sa pagitan ng North at South Korea, dahil nagbabala ang Pyongyang na idedemolish ang nasabing tanggapan.

Ayon sa ibang mamambabatas, ang babala ay nanggaling sa babaeng kapatid ng North Korean lider, na si Kim Yo Jong, at sinasabi na ang pagpapasabog na ito ay naglalayong patatagin ang kanyang posisyon sa bansa.

Plano ng gobyerno ng Japan na patuloy na makipag-tulungan sa Foreign at Defense Officials ng South Korea at ng Estados Unidos upang matukoy ang totoong intensyon at hangarin ng Pyongyang.

Plano din ng Japan na maging handa , magbantay at patuloy na subaybayan ang sitwasyon dahil maaring lumala ang tensiyon sa pagitan ng dalawang bansa kung patuloy na gumawa ng karagdagang probokasyon ang North Korea.

Source and Image: NHK World Japan

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund