Naha, Japan (Kyodo)- Minarkahan noong Martes ang ika- 75 anibersaryo ng pagtatapos ng WWII na kumitil ng mahigit 200,000 na buhay, nakinabibilangan ng mga lokal na sibilyan, pati na din mga sundalong Hapon at Amerikano.
Ang taunang memorial service ay ginunita sa isang taimtim at maliit na selebrasyon sa gitna ng pandemya at hindi rin inimbitahan si Punong Ministro Shinzo Abe. Nasabay din ito sa gitna ng patuloy na alitan sa pagitan ng Okinawa at sentral na pamahalaan sa pagkakaroon ng malaking prisensiya ng militar ng Estados Unidos sa Island Prefecture.
” Gusto namin maiabot ang aming taos pusong paghahangad ng kapayapaan sa buong mundo at hiling namin maibahagi ito sa mga tao”, sabi ng Gobyernador ng Okinawa na si Denny Tamaki, sa kanyang “Peace Declaration” na ginanap sa Peace Memorial Park sa Itoman, ang lugar kung saan nagwakas ang huling yugto ng Battle of Okinawa.
Sinabi din ng gobyernador ang pananais ng Okinawa na makipagayos sa Hiroshima at Nagasaki.
Plinano ng Okinawa na imbitahan sa unang pagkakataon ang mga alkalde ng dalawang lungsod na pinasabog ng US atomic bombs noong Agosto 1945, at isang kinatawan ng United Nations, ngunit kinansela ang plano sa gitna ng pandemya.
Ang mga alkalde ay nagpadala ng kanilang mensahe sa video para sa okasyon, para sa patuloy na pakikipagtulungan makamit ang kapayapaan sa mundo.
Ang U.N. Undersecretary General and High Representative for Disarmament Affairs, ay nagpadala ng mensahe sa kanyang video ” Upang maiwasan maulit ang masalimuot na karanasan ng mga naging biktima sa Okinawa, ang international society sa pangkabuuan ay kinakailangang mapanatili ang pandaigdigang kapayapaan at seguridad.”
Nasa tinatayang 160 ang naimbitahan na nakatira sa Prepektura ng Okinawa ang napahintulutan na dumalo sa seremonya nuong Martes. Samantalang nasa mahigit 5,000 katao ang dumalo nuong nakaraang taon.
Si Abe ay nagpaunlak din ng isang video message, at kanyang kinikilala ang ” matinding naging pasanin” na dala-dala ng mga tao sa Okinawa dahil sa prisensya ng US Bases sa lugar.
” Desidido akong makakuha ng magandang resulta upang tuluyang maibsan ang kanilang pasanin”., aniya.
Sa Okinawa ang humigit – kumulang sa 70% ng kabuuang kalupaan ay ekslusibong ginagamit ng mga pasilidad ng mga amerikanong militar sa Japan, ang prepektura ay may sukat na 0.6% ng kabuuang lupain ng bansa.
Ito ay kumontra sa isang central government plan na ilipat ang base militar ng Estados Unidos na kasalukuyang matatagpuan sa isang masikip na residential area sa ibang lugar at nananawagan sa paglilipat ng base sa labas ng Okinawa.
Ngunit ang Tokyo at Washington ay sumang-ayon na lumipat sa US Corine Air Station Futenma ang US Marine Corps mula sa Ginowan na may mas kakaunting populasyon sa baybaying lugar ng Henoko , Nago.
Sa isang Prefectural Assembly Election, ngayong buwan, isang grupo ang kumontra sa pagpapanatili ng base sa Okinawa, na sumasalamin sa sentimyento ng mga mamamayan laban kay Abe at sa kanyang administrasyon.
Si Yasuko Chinen, 82, na naulila sa ama dahil sa giyera at nakatakas mula sa apoy ng digmaan, ay dumalaw sa memorial park kasama ang kanyang apo at iba pang miyembro ng pamilya.
“Lumalaki ang mga anak ,apo at ayaw namin ng magkaroon ng digmaan,” aniya.
Si Shosei Oshiro, 78, ay bumibisita sa isa pang memorial park sa Itoman upang gunitain ang kanyang ama na namatay sa giyera, ” Nais kong isipin ng gobyerno ng Japan ang tungkol sa hinagpis ng Okinawa,”.
Humigit-kumulang na 94,000 mga sibilyan, halos 25% ng populasyon ng Okinawa sa oras na iyon, pati na rin ang higit sa 94,000 sundalong hapon at 12,500 amerikano ang namatay sa labanan na tumagal mula Marso hanggang Hunyo 1945, ayon sa pamahalaan ng Southern Japan Prefecture.
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation