Ginalang ng Estados Unidos ang desisyon ng Japan sa Aegis Ashore.

Masasandalan kami at bibigyan ka namin ng anumang suporta at tulong na iyong kakailanganin upang makapagdesisyon sa kung anong kailangan mong gawin.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspGinalang ng Estados Unidos ang desisyon ng Japan sa Aegis Ashore.

Ang Senior Defense Official ay nagmungkahi na magantay ang Estados Unidos na makapagpasya ang Japan sa pagsuspinde sa planong ideploy ang Aegis Ashore Missile Defense System.

Ipinahayag ng Japan kamakailan na ihihinto nito ang pagpaplanong ideploy ang US-made Aegis Ashore System. Nabanggit nito ang pangangailangan na mag-revamp ng missile interceptor upang matiyak ang ligtas na paglapag ng rocket booster.

Sa isang online speech noong Martes, sinabi ng US Missile Defense Agency Director Jon Hill na sinusubukan ng Japan makapagpasya kung ano ang gagawain sa antas ng National Security Council.

Sinabi niya na ang sinumang kasangkot sa mga military construction projects ay nakakaintindi sa sintemyento ng mga lokal na kumunidad, kaya nais niyang respetuhin ang desisyon ng gobyerno ng Japan.

Sinabi ni Hill na ihohold ang mga pag-uusap hanggang Miyerkules kasama ang pinuno ng Japanese Defense Ministry’s Aquisitions Agency na si Takeda Hirofumi.

Sinabi din niya na sasabihin niya kay Takeda na ” Masasandalan kami at bibigyan ka namin ng anumang suporta at tulong na iyong kakailanganin upang makapagdesisyon sa kung anong kailangan mong gawin.” , idinagdag pa niya na ,” mayroong iba pang opsyon.”

Ang mga pag-uusap sa pagitan ng Japan at Estados Unidos ay inaasahan sakupin ang iba’t ibang paksa , kabilang kung ano ang gagawin sa kuntratang nagkakahalaga ng 180 bilyong yen o 1.7 bilyong dolyar, na kanilang nilagdaan para sa Aegis Ashore System.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund