Fukuoka: Isang lalaki, edad 34, arestado matapos matagpuan ang isang mummified na labi sa kaniyang bahay.

Ang tiyahin ng akusado ang nakipag-ugnayan sa kapulisan noong Lunes, upang ireport na hindi niya makontak ang kapatid mula 2017.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspFukuoka: Isang lalaki, edad 34, arestado matapos matagpuan ang isang mummified na labi sa kaniyang bahay.

Fukuoka City – Noong ika- 16 ng Hunyo, iniulat ng Kyodo News ang pagkaka-aresto sa isang 34 anyos na lalaki ng Fukuoka Prefectural Police, matapos matagpuan ang bangkay na di umano’y kanyang ina sa loob ng kanilang tirahan.

Noong Lunes, nakakuha ng isang tip ang kapulisan at pinasok ang tirahan ng lalaki sa lugar ng Iikura sa Sawara Ward , at natagpuan ang mummified na labi sa salas ng unang palapag ng kaniyang tirahan.

Ayon sa Sawara Police Station, hindi pa matukoy ang kasarian ng bangkay dahil sa pagkabulok ng katawan nito.

Kinabukasan, inaresto at kinasuhan si Kentaro Ijuin, walang trabaho, sa pag-abanduna ng isang bangkay. ” Ang bangkay ay ang aking ina.”, saad ng suspek sa pulisya.

Ang tiyahin ng akusado ang nakipag-ugnayan sa kapulisan noong Lunes, upang ireport na hindi niya makontak ang kapatid mula 2017.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang kumpirmahin ang pagkakakilanlan ng naturang labi at ang sanhi ng pagkamatay nito.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund