Fukuoka: Bangkay ng isang babaeng walang ulo,natagpuan sa ilog

Bukod sa nawawalang ulo, hindi rin matagpuan ang kanang binti,at ang itaas na bahagi ng katawan ay walang saplot.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Nitong Lunes, pinag-hahanap ng mga diver ang ulo ng isang babae na ang katawan ay natagpuan sa Chikugo River nuong kamakalawa. (Twitter)

Fukuoka- Ayon sa ulat ng Nippon News Network (Hunyo 22), inilunsad ng Fukuoka Prefectural Police ang pagsisiyasat kasunod ng pagkakatuklas ng isang bangkay ng babaeng walang ulo sa ilog sa Lungsod ng Okawa, nitong Linggo.

Dakong 5:20 ng hapon, isang lalaki lulan ng bangka sa Chikugo River sa lugar ng Makaijima ang nag-ulat sa natagpuang bangkay na nakahambalang sa mooring line.

Bukod sa nawawalang ulo, hindi rin matagpuan ang kanang binti,at ang itaas na bahagi ng katawan ay walang saplot. Samantalang, ang babang bahagi ng katawan ay may underwear,isang medyas, at sandalyas sa kaliwang paa, ayon sa mga imbestigador.

Inabot ng limang oras ang paghahanap sa mga nawawalang bahagi ng katawan ng nasabing biktima gayun din ang mga personal na pagkakakilanlan , sinuyod ng mga divers ang ilog malapit sa Ohashi Bridge.

Plano ng pulisya na magsagawa ng awtopsiya upang matukoy ang sanhi ng kamatayan.
Sa ngayon ang kaso ay kinukunsiderang resulta ng foul play o pagpapakamatay.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund