Tokyo- Tatlong buwan matapos inirekomenda ng World Health Organization na kumanta ng ” Happy Birthday” ng dalawamg beses sa paghuhugas ng kamay upang labanan ang pagkalat ng coronavirus, ang Fujitsu Ltd. ng Japan ay bumuo ng isang AI (artificial intelligence) na monitor para tiyakin ang pagpapahalaga sa kalusugan ng mga mangagawa sa healthcare, hotel at food industry.
Ang nasabing AI, na nakaka-predict at nakaka-basa ng kumplikadong pag-galaw ng kamay at maaaring makita kapag ang mga tao ay hindi gumagamit ng sabon, ang nasabing monitor ay dinidevelop pa ng mga panahong iyon bago sumiklab ang pagkalat ng coronavirus, para sana ito sa mga Japanese Company na may striktong nagpapatupad sa kalinisan ,ayon sa Fujitsu. Ito ay batay sa teknolohiya ng Crime Surveillance Technology kung saan maaaring makita ng kahina-hinalang paggalaw ng katawan.
“Ang mga opisyal ng food industry at sa lahat ng mga negosyong may kaugnayan sa coronavirus ay sabik gamitin ito, at mayroon ng nagtatanong tungkol sa presyo.” Sabi ni Genta Suzuki, senior researcher sa Japanese Information Technology Company. Dagdag pa niya, ang Fujitsu ay hindi pa pormal na nakakapagpasya kung isasapampubliko ang pagbebenta ng AI.
Bagaman ang coronavirus pandemic at ang pagbasak ng ekonomiya ay nakakaapekto sa mga kumpanyang nasa industriya ng pagkain at sa mga gumagawa ng sasakyan, para sa mga kumpanyang gumagamit ng teknolohiya para makasabay sa umuusnong na merkado para sa mga produktong may kaugnayan sa coronavirus, ang pandemiyang ito ay nagbibigay ng pagkakataon upang lumikha ng mga bagong negosyo.
Sinusuri ng Fujitsu AI kung nakumpleto ng mga tao ang Japanese Health Ministry Six Step Hand Washing Procedure, tulad sa alituntunin ng WHO, na nagpapaalala sa tao na linisin ang kanilang mga palad,hugasan ang mga hinlalaki at hinliliit at pagitan ng kanilang mga daliri, pati ang paligid ng kanilang pulso at pag-scrub sa kanilang mga kuko.
Hindi nakikilala ng AI ang mga tao mula sa kanilang mga kamay, ngunit maari itong isama ang Identity Recognition Technology para masubaybayan ang mga gawi sa paghuhugas ng kamay ng mga empleyado, sabi ni Suzuki.
Ang pagsasanay sa Machine Learning AI, si Suzuki at mga developers nito ay gumawa ng 2,000 na mga patterns sa paghuhugas ng kamay gamit ang iba’t ibang mga sabon at at wash basins. Ang mga empleyado ng Fujitsu ay nakibahagi sa mga pagsubok na iyon, kasama ang kumpanya na nagbabayad din sa ibang tao sa Japan at sa ibang bansa upang hugasan ang kanilang mga kamay upang matulungan ang pagbuo ng AI.
Ang AI ay maaaring ma-program upang i-play ang “Happy Birthday” o iba pang musika upang samahan habang naghuhugas ng kamay , ngunit iyon ay magiging option sa mga kustomer na bibili nito, saad pa ni Suzuki.
Source and Image: Japan Today
Join the Conversation