Tokyo- Ang dating Justice Minister na si Katsuyuki Kawai at ang kanyang asawang mamambabatas na si Anri ay inaresto nuong Huwebes dahil sa hinala ng pagbibigay ng pera sa mga lokal na pulitiko at taga-suporta sa panahon ng pangangampanya ng asawa sa halalan ng upper house nuong nakaraang taon, ayon sa mga imbestigador.
Ang pag-aresto ay maaring maging mabigat na haharapin ng punong ministro na si Shinzo Abe , dahil sa kanyang naging kaugnayan kay Katsuyuki, na nag-silbing Special Adviser on Foreign Affairs, bago nag-silbing Justice Minister noong nakaraang taon.
Kamakailan lamang ay nakita ng Abe Administration ang pag-bagsak ng ratings ng Prime Minister sa pag-handle ng coronavirus pandemic at isang insidente sa pag-susugal na kinsasangkutan din ng isang kilalang prosecutor.
Ang 57 taong gulang na si Katsuyuki, ay isang miyembro ng House of Representatives, at ang kanyang 46 anyos na asawa ay pinag-hihinalaang bumili ng mga boto sa House of Councilors nuong Hulyo ng nakaraang taon, kung saan nanalo si Anri.
Nitong Miyerkules, tinanggap ng Liberal Democratic Party ni Prime Minister Abe ang pag-bibitiw ng mag-asawa. Gayunpaman, sinabi nila sa partido na balak pa din nila magpa-tuloy bilang mga Diet Members.
Ang development ay naipatupad matapos ang isang ordinary session ng parlyamento na tumagal hanggang Miyerkules. Ang mga mangbabatas ay may immunity mula sa pagkakaaresto habang nasa sesyon ang Diet.
Matapos ang ilang oras ng voluntary questioning, mariing itinanggi ng mag-asawa ang mga paratang sa pagbili ng boto laban sa kanila.
Napag-alaman ng mga inbestigador na si Katsuyuki ay diumano’y nagbigay ng halos 24 milyon yen ( $225,000) na cash , habang ang kanyang asawa ay nagbigay ng halos 1.5 milyon yen , na tinatayang naibayad sa 100 katao.
Ayon pa sa mga prosekyutor, napag-alaman nila na si Kawai ang utak sa kampanya ng asawa.
Sa Upper House election, si Anri, isang dating miyembro ng Prefectural Assembly, ay naharap sa mahigpit na labanan upang manalo ng isa sa 2 pwesto sa Hiroshima Constituency, at nagalala na mahati ang boto sa kanyang kapawa kandidato ng Liberal Democratic Party, at matalo kay incumbent veteran na si Kensei Mizote.
Nabigo si Mizote na manalo sa re-election dahil sa hating conservative votes at mga kasamang nanunungkulan sa isa pang partido.
Ang punong tanggapan ng Liberal Democratic Party ay nag-alok ng napakalaking halaga (150 milyon yen) sa kampo ni Kawai nuong panahong ng halalan at kasalukuyang sinasayasat ng mga prosekyutor kung ang cash ay mula sa pondo at ibinayad sa mga taga-suporta ng panahon ng kampanya.
Ayon pa sa mga naturang source, si Katsuyuki ay diumano’y namamahagi ng mula 50,000 hanggang 100,000 yen sa bawat isa sa mga miyembro ng prepektura at city council, pinuno ng lokal na pamahalaan pati na rin sa mga taga suporta sa Prepektura ng Hiroshima.
Sa pakikipag-usap sa mga mamahayag nitong Miyerkules, si Katsuyuki ay humingi ng paumanhin sa lahat ng problema na kanyang naidulot sa lahat ng partidong kanilang naabala.
Gayunpaman, pinanatili niya na ang kanyang gawaing pampulitika ay hindi kailanman lumabag ng kahit anong batas. Habang tumaggi naman si Anri na magkomento, bilang payo ng kanyang abogado.
Si Katsuyuki, sa kanyang pang pitong termino bilang miyembro ng mababang kapulungan, ay nagsisislbing tagapayo ni Abe para sa Foreign Affairs, bago ang kanyang unang Ministerial Post bilang Justice sa isang cabinet reshuffle noong Setyembre.
Gayunpaman, siya ay bumaba sa kanyang posisyon ng sumunod na buwan sa pagkakaroon ng isang hiwalay na iskandalo sa kampanya sa halalan ng kanyang asawa.
Martes, ang state-paid secretary ni Anri, ay pinarusahan ng 18 buwan na pagkabilanggo, suspindido ng 5 taon, sa salang ilegal na pagbabayad sa mga tao sa panahon ng halalan ng Upper House Election.
Matatangal sa kanyang pwesto si Anri, kapag naihain na ang sintensiya sa kanyang kalihim, na nagpapahintulot sa hukuman na kilalalin ang kahilingan ng prosekyusiyon ng pagkakasala sa pamamagitan ng asosasyon sa batas ng halalan.
Source and Image: Japan Today
Join the Conversation