YAMANASHI
Ang mga pulis sa Kofu, Yamanashi Prefecture, ay inaresto ang isang 42-taong-gulang na lalaki dahil sa paglabag sa Firearms and Sword Control Law matapos niyang sugurin ang Yamanashi head office ng Toyota Motor Corp noong Martes ng umaga na may dalang shotgun.
Ayon sa pulisya, ang suspect na si Hisashi Sato, ay isang empleyado ng Toyota mula sa Lungsod ng Otsuki, iniulat ng Sankei Shimbun. Sinabi ng pulisya na sapilitan niyang ipinasok ang prefectural head office ng automaker sa Kofu bandang 9:45 a.m. nitong Martes. May dala siyang baril at sa kanyang bag ay isang kutsilyo na may sukat na 17 sentimetro.
Isang empleyado ang tumawag sa 110 at pulis na agaran namang rumisponde at nadakip si Sato, hindi naman nanlaban ang suspect at walang mga nasugatan na naiulat sa pinangyarihan.
Sinabi ng pulisya na si Sato ay nagtatrabaho sa opisina ng sales ng kumpanya. Matapos ang pag-aresto sa kanya, binanggit niya na, “Matagal na akong galit sa boss ko.”
© Japan Today
Join the Conversation