KYOTO (TR) – ayon sa mga pulis, dose-dosenang patay na aso at pusa ang natagpuan sa isang tahanan ng isang animal welfare volunteer sa Yawata City nuong Biyernes, mula sa ulat ng NHK (June 5).
Ang mga pulis na naka-suot ng protective gear ay siniyasat ang tahanan ng isang volunteer na isang 50 anyos na ginang ay natagpuan ang mga dumi, basura at labi ng mga pusa at aso.
Ayon ng mga pulis, ang ginang ay matagal nang nag-sasagawa ng boluntaryong trabaho upang maproteksyonan ang mga ligaw na aso at mga inabandonang pusa.
Subalit, naka-tanggap ng isang tawag ng reklamo mula sa mga kapit-bahay ang health center tungkol sa palaging pag-kahol ng mga aso at isang masangsang na amoy galing sa tahanan ng ginang sa loob ng dalawang taon. Naka-ilang beses na rin dumalaw sa tahanan ng matandang ginang ang mga tauhan ng health center upang bigyan ng gabay ang ginang.
Sa lugar ng Kansai, ang ginang ay kilala “Diyos” ng animal care volunteers para sa kanyang mga trabaho sa loob ng nag-daang 20 taon.
Nuong tinanong ng Mainichi Broadcasting System nuong ika-5 ng Hunyo kung paano niya inaalagaan ang mga hayop, sinabi niya na “Pinapa-kain ko lamang sila ng sapat sa araw-araw.”
Iniimbestigahan sa kasalukuyan ng mga pulis kung nagkaroon ba ng pagkukulang ba sa pagpapakain at pag-aalaga ang ginang sa mga aso at pusa, at kung ito ang kaso ito ay violation sa Act on Welfare and Management of Animals.
“Dumi sa bubong”
Pinasok ng mga pulis ang residente matapos makatanggap ng tip mula sa isang animal conversation group sa Kobe City. Nuong Miyerkules, isang miyembro nbg grupo na si Erika Kawada ang bumisita sa bahay ng nasabing ginang.
“May mga dumi ng hayop sa may bubungan, mga buto ng patay na aso at pusa sa ikalawang palapag ng bahay,” ani ng babae. “ Nakaramdam ako ng galit at lungkot, at ako ay napag-isip kung bakit (ang mga hayop) ay paipag-katiwala sa ganitong tao.”
Inilarawan ni Kawada ang kaso bilang isang ehemplo ng tinatawag na “ Rearing Failure on a Large Scale.”
“ Sa patuloy na pag-tanggap ng mga aso at pusa at hindi pag-kinig sa mga payo, naging imposible na ang pag-bibigay ng tamang pag-aalaga sa mga hayop,” ani nito. “ Ang pag-aalaga ng napakaraming hayop ay isang porma ng pag-mamalupit sa mga hayop. Sa tingin ko importante sa isang boluntaryo na pag-isipang mabuti ang responsibilidad sa pag-aalaga ng mga hayop upang maiwasan ang ganitong mga sitwasyon.”
Ang isyung ito ay isang problema pang-kasalukuyan. Ayon sa Ministry of the Environment, mayroong mahigit na 2,000 kaso ng “ Rearing Failure on a Lage Scale” sa buong bansa mula taong 2018.
Source: Tokyo Reporter
Image: NHK
Join the Conversation