TOKYO (TR) – daan-daang kataong nagpo-protesta ang nag-marcha sa kalye ng Shibuya Ward nuong Sabado upang ibisto ang karahasan umano ng dalawang opisyal ng pulis laban sa isang ethnic Kurd nitong buwan lamang, ayon sa ulat ng Mainichi Shimbun (May 30).
Ini-estimang nasa 200 banyaga at mga nagpo-protestang hapon ang sumisigaw ng “Huwag apihin ang mga dayuhan!” Ang mga nag-welgang tao na may kasamang police escort ay nag-marcha patungong Shibuya Police Station at iba pang mga lugar palibot rito.
“Punish racist cops,” mga katagang naka-sulat sa isang plaka. “We need justice!” Sigaw pa ng isa. Ipinag-sigawan rin ng ilang nagpo-protesta ang pagka-matay ni George Floyd sa kamay ng mga pulis sa Minneapolis, isang insidente na nag-pasiklab sa pag-protesta at riot sa buong Estados Unidos nitong weekend.
Ang nangunguna sa mga nag-poprotesta sa Shibuya ay ang 33 anyos na biktima, na hindi pinangalanan.Ang insidenteng pinag-uusapan ay nangyari sa isang lugar ay malapit sa JR Ebisu Station habang siya ay nag-mamaneho ng kanyang kotse nuong hapon ng ika-22 ng Mayo.
“Wala naman akong nagawang pag-labag sa batas trapiko, ngunit ako ay natakot dahil ako ay isang dayuhan,” ani ng lalaki. Siya ay naka-suot ng baseball cap at breathing mask nuong protesta. “ Dapat ba na silang maging bayolente at hindi makinig dahil ako ay isang dayuhan?”
Bandang alas-3:30 ng hapon siya ay napadaan sa tapat ng isang patrol car sa gilid ng kalsada at siya ay lumiko ng pakaliwa papunta sa Meiji-Midori. Agad na pinailaw ng patrol car ang kanyang sirena at ipinag-utos na siya ay huminto.
Isa sa dalawang pulis ang nag-sabi na “ Nais naming inspeksyoning ang sasakyan.” Tumanggi ang Kurdish na lalaki at nag-sabi na may dental appointment na pupuntahan. Bigla na lamang siyang hinaltak ng pulis palabas ng kanyang sasakyan.
“Hindi ako maka-hinga”
Sa nakuhang video footage ng kakilala ng lalaki, makikitang pilit na inihihiga ng dalawang pulis ang lalaki sa kalsada sa tapat ng patrol car. Tapos pinilit siyang ipinadapa sa kalsada at hinawakan ang kanyang leeg. “ Wala akong ginagawa,” ani ng lalaki. “Huwag niyo akong hawakan.”
NAkita ng iosang pulis na may kumukuha sa pangyayari gamit ang isang smartphone, matapos nitong makita ay agad na binitawan ang hawak sa dayuhang lalaki at nag-taas ng kamay habang papalapit sa lalaking may hawak ng smartphone.
“ Hindi naman ako nag-tangkang tumakas o naging bayolente,” ani ng biktima. “ Sinasakal nila ako kung kaya`t nag-sabi ako na “Hindi ako maka-hinga.” Hindi ako maka-wala sa kanila hanggang sa nakita nila ang aking kaibigan na kumukuha ng video.”
Ayon sa biktima, kalaunan mahit 30 pulis ang dumating sa lugar ng pinangyarihan. Binuksan nila ang likuran ng aking kotse ng walang pahintulot. Sinira nila ang isang cardboard box at hinaluglog ang isa sa kanyang bag.
Dumating sa bansang Japan ang lalaki mula sa bansang Turkey 15 taon na ang nakalilipas. Siya ay mayroong permanent resident visa, siya ay nag-tatrabaho sa isang restaurant.
Siya ay nag-reklamo na nagkaroon siya ng pinsala sa kanyang leeg, paa at tagiliran mula sa insidenteng nangyari at aabot ng mahigit 1 linggo bago ito gumaling.
Nuong ika-27 ng Mayo, ang biktima ay nag-sampa ng reklamo sa Tokyo District Public Prosecutors Office laban sa mga pulis na nang-harrass sa kanya at ng suspicion of inflicting injury.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Video: YouTube
Join the Conversation