Cruise Ship na nakadaong sa Yokohama, nasunog.

Ang Asuka II ay dumaong sa Yokohama Port noong unang bahagi ng Abril mula sa Singapore kung saan sumailalim ang barko sa maintenance.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspCruise Ship na nakadaong sa Yokohama, nasunog.

Tokyo – Isang maitim na usok ang namataan sa Asuka II, isang nakadaong na cruise ship sa Yokohama Port habang ang mga miyembro ng crew , mga bumbero at mga personel ng Coast Guard ay nakipaglaban upang macontrol ito nuong Martes.

Iniulat ng Kyodo News na ang naging pahayag ng Nippon Yusen KK, ang parent company ng nasabing cruise ship operator na ang sunog ay nagsimula sa top floor ng barko kung saan nakatago ang kanilang mga materyales. Ayon din sa Coast Guard na walang nai-ulat na napinsala sa insidente.

Ang Asuka II ay isa sa pinakamalaking cruise ship sa Japan.

Sabi ng Nippon Yusen may 153 na tripulante ang naka-duty para sa trabahong esensiyal ang tumulong sa pag-puksa ng apoy, ayon pa sa kumpanya walang mga pasaherong sakay ang naturang barko.

Ang Asuka II ay dumaong sa Yokohama Port noong unang bahagi ng Abril mula sa Singapore kung saan sumailalim ang barko sa maintenance.

Matatandaang ang Diamond Princess cruise ship na nagkaroon ng coronavirus outbreak at nahawaan ang 700 katao nitong taon ay sa Yokohama Port din dumaong, ang barko ay matagal na din nakaalis sa nasabing port.

Source and Image: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund