Tokyo – Nag-anunsiyo ang Edogawa Ward nuong Hunyo 16 , na ang isang bote ng liquid soap na naka-install sa isang pampublikong banyo sa hakbang upang malabanan ang pagkalat ng novel coronavirus ay pinalitan ng malakas na klase ng asido.
Ang Metropolitan Police Department at Kasai Police Station ay kasalukuyang nag-iimbestiga at pinag-aaralan ang kaso upang makapag-sampa ng kaukulang demanda.
Ayon sa mga opisyal ng Edogawa Ward, sila ay nakatanggap ng isang tawag dakong 8:40 ng umaga noong ika-16 ng Hunyo mula sa isang lalaking nagbanyo at sinasabing ” Masakit ang aking mga kamay pagkatapos ko gamitin ang sabon!”. At nang ito ay suruin ng isang ward official, nakumpirma na ang lalagyan ay napalitan at agad na iniulat ang isidente sa istasyon ng pulisya.
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation