TOKYO
Ang isang mahiwagang puting bagay na nakita sa kalangitan sa hilagang Japan noong Miyerkules ay pinagkaguluhan ng mga netizens, na may iba’t-ibang haka-haka mula sa UFO hanggang coronavirus at North Korean propaganda.
Ang nakuhang footage ng telebisyon sa hilagang-silangan na lungsod ng Sendai ay nagpakita ng isang bagay na mukhang puting balloon na may hugis krus na nakakabit dito na kung saan ang mga propellers ay tila umiikot. Sinabi ng mga opisyal sa Sendai Weather Bureau na lumitaw ito bandang madaling araw at tila hindi ito umaalis sa pwesto sa kalangitan nang maraming oras hanggang sa matabunan na ito ng mga ulap.
Ang pulisya ay hindi nagpaunlak ng kanilang komento at isang opisyal ng gobyerno ng Sendai ang nagsabi na nagpapatuloy pa rin ang mga pagtatanong nila tungkol sa misteryosong bagay na ito.
© Thomson Reuters 2020.
Join the Conversation