Bagong silang na sanggol iniwan sa entrance ng Japanese Red Cross nursery school sa Ibaraki Prefecture

Isang bagong silang na batang lalaki ang iniwan sa likurang gate ng Japanese Red Cross Society Ibaraki Chapter Nursery sa Mito, Ibaraki Prefecture bandang Linggo ng gabi o kaagahan ng Lunes. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspBagong silang na sanggol iniwan sa entrance ng Japanese Red Cross nursery school sa Ibaraki Prefecture

MITO, Ibaraki

Isang bagong silang na batang lalaki ang iniwan sa likurang gate ng Japanese Red Cross Society Ibaraki Chapter Nursery sa Mito, Ibaraki Prefecture bandang Linggo ng gabi o kaagahan ng Lunes.

Ayon sa pulisya, isang empleyado na dumating sa trabaho bandang 5:40 a.m. Lunes ay ang nakakita sa sanggol na nakabalot sa isang tuwalya sa loob ng isang tote bag at siya ay daliang tumawag sa 110, iniulat ng Sankei Shimbun. Sinabi ng pulisya na ang sanggol ay ipinanganak dalawa o tatlong araw na ang nakakaraan nang matagpuan at nasa mabuti ang kanyang kalusugan. Walang naiwang sulat sa loob ng bag.

Ang tote bag ay iniwan sa likurag gate sa pagitan ng 9 p.m. Linggo at 5 ng umaga ng Lunes. Sinabi ng pulisya na sinusuri nila ang footage ng surveillance camera upang subukan at matukoy kung sino ang nag iwan sa sanggol. Sinabi nila na ang ina ay posibleng maharap sa charge na child abandonement.

© Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund