MIURA, KANAGAWA – isang Northern Rockhopper baby penguin ay nang-akit ng mga bisita sa Keikyu Aburatsubo Marine Park sa bandang Timog ng Tokyo.
Ang pasilidad ay nag-labas ng isang video sa kanilang website kung saan pina-pakita nito ang baby penguin na nag-aantay ng pagkain habang pinapagaspas ang kanyang munting mga pakpak.
Ayon sa pasilidad, ang mga Northern Rockhopper Penguins ay naninirahan sa mga isla sa paligid ng Antartica, at makikilala sila dahil sa mga dilaw na balahibo sa paligid ng kanilang mga mata. Ang isang mag- asawang penguin ay karaniwang nagkakaroon at nagaalaga ng 2 itlog at napipisa ang mga ito sa loob ng 35 to 40 araw.
Sinimulan ng aquarium mag-alaga ng mga Northern Rockhopper Penguins nuong taong 1984 at matagumpay na nagpa-lahi nuong taong 1987 sa kauna-unahang pagkakataon.
Sa kabuuan, nasa 66 na mga inakay ang napalaki sa pasilidad at nakamit nito ang pagiging una sa Japan ng pagbi-breed ng ikatlong henerasyon ng mga nasabing ibon nuong taong 2016.
Ang pinakabagong inakay ay ipinanganak nuong ika-23 ng Abril at may timbang ng 57g ngunit agad namang bumigat ng hanggang sa 1.5 kilograms sa loob ng isang buwan.
Pansamantalang isinara ang Marine Park dahil sa banta ng novel coronavirus ngunit muling nabuksan noong ika-1 ng Hunyo.
Ayon sa tagapangasiwa ng park, ” Kami ay umaasang dadayo at bibisita ang mga tao upang makita ang bagong inakay, kahit na pinaikli ang oras nang pagbubukas at mga pagbabago ng ilan sa mga programa.”
Para sa karagdagang impormasyon, maaring tumawag at makipag-ugnayan sa Keikyu Aburatsubo Marine Park sa Numerong 046-880-0152.
(Japanese original by Nobumichi Iwasaki, Yokosuka Local Bureau)
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation