Babae na scam ng 15 million yen ng isang lalaki nagpanggap na anak niyang nagka-covid19

Isang babae na nasa kanyang 70s mula sa lungsod ng Kai, Yamanashi Prefecture, kanluran ng Tokyo, ay na scam ng 15 million yen ($ 140,400) matapos may tumawag sa kanya na nagpanggap na anak niyang lalaki at nagsabing siya ay may coronavirus. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

KOFU – Isang babae na nasa kanyang 70s mula sa lungsod ng Kai, Yamanashi Prefecture, kanluran ng Tokyo, ay na scam ng 15 million yen ($ 140,400) matapos may tumawag sa kanya na nagpanggap na anak niyang lalaki at nagsabing siya ay may coronavirus.

Ayon sa mga detalye ng kaso na isiniwalat ng Yamanashi Prefectural Police noong Hunyo 11, nakatanggap ang babae ng isang tawag sa telepono bandang 9 a.m. noong Hunyo 8 mula sa lalaki.

Nagpanggap ito na panganay na anak at ayon dito, “Nagpositibo siya sa chain ng polymerase para sa coronavirus sa isang ospital kahapon, at nawala ang dala niyang bag habang nagpapa check up siya sa hospital” ang bag ay nagkakalan umano ng isang tseke ng kanyang kumpanya.

Dagdag pa niya na pinagkatiwalaan siya ng kanyang boss sa tseke na ito at dahil nawala ang bag kailangan niyang bayaran ang nawawalang tseke king hindi ay masesesante siya sa trabaho at humingi siya ng 8 million yen.

Ang babae naman ay naniniwala sa kanya, at ibinigay ang 8 milyong yen in cash na itinago niya sa bahay sa isang lalaki na dumating sa kanyang bahay na nagsasabing siya ang nakababatang kapatid ng boss ng kanyang anak.

Nang sumunod na araw, nakatanggap siya ng isa pang tawag mula sa lalaki bandang 9 ng umaga. Nanghingi pa ito ng adisyunal na 7 million yen, dahil umano siningil din siya ng kanyang boss sa binayad sa kanyang cash advance. Ang parehong tao mula sa nakaraang araw ay dumating muli sa kanyang bahay at ibinigay niya ang 7 million yen.

Nalaman na lamang ng babae na siya ay na scam nung labis na siyang nag-alala sa kalusugan ng kanyang anak dahil wala ng update kung kaya’t tumawag ito sa asawa ng kanyang anak at dun niya na naloko siya.

Pagkatapos ay iniulat nila ang insidente sa Nirasaki Police Station noong Hunyo 9. Iniimbestigahan ngayon ng pulis ang mga scammers.

(Japanese original ni Shota Kaneko, Kofu Bureau)

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund