Babae arestado sa hindi pagbayad ng 16 na lapad na taxi fare from Tokyo to Shiga

Inaresto ang isang 18-anyos na babae sa hinalang money fraud nang tanggihan niyang bayaran ang 160,000 yen na pamasahe nya sa taxi mula sa Tokyo hanggang Shiga Prefecture. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspBabae arestado sa hindi pagbayad ng 16 na lapad na taxi fare from Tokyo to Shiga

SHIGA

Ang pulisya sa Kusatsu, Shiga Prefecture, ay inaresto ang isang 18-anyos na babae sa hinalang money fraud nang tanggihan niyang bayaran ang 160,000 yen na pamasahe nya sa taxi mula sa Tokyo hanggang Shiga Prefecture.

Ayon sa lokal na media, ang babae, na nagmula sa Sagae sa Yamagata Prefecture, ay sumakay sa taxi sa Tokyo Station bandang 8 p.m. noong Linggo. Sinabi niya sa driver ng taxi na dalhin siya sa Kusatsu Station sa Shiga.

Ang biyahe ay tumagal ng 5 1/2 oras at ang taxi ay nakarating sa Kusatsu Station bandang 1:30 ng umaga. Sinabi ng babae sa driver na hindi niya mababayaran ang pamasahe dahil 1,000 yen lamang ang pera niya.

Nakipag-ugnayan ang driver sa pulisya at kinuha sa kustodiya ang dalagita.

Sinabi ng driver sa pulisya ang babae ay halos hindi nagsalita sa buong biyahe, inaalam naman ngayon ng pulisya kung bakit nagawa niya iyon.

© Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund