Babae arestado matapos subukang patayin ang kangyang isang taong gulang na anak

Ayon kay Kamata , siya ay dumadanas ng matinding pagkabalisa sa pagpapalaki ng kanyang anak at ikinahihiya niya ang kanyang sarili.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspBabae arestado matapos subukang patayin ang kangyang isang taong gulang na anak

Sendai, Miyagi – Inaresto ng Miyagi Police ang isang 33 anyos na babae dahil sa pag-tangkang pag-patay sa kanyang isang taong gulang na anak na lalaki sa pamamagitan ng pag-sakal.

Iniulat ng Sankei Shimbun, ayon sa pulisya, sinimulan ni Mizuho Kamata na sakalin ang kanyang anak bandang alas onse ng umaga nuong Martes sa kanilang apartment. Gayunpaman, siya ay tumigil at tumawag sa 119, na sinasabing sinakal niya ang kanyang anak.

Ang sanggol ay agad na naisugod sa ospital at kasalukuyang malayo na sa panganib, ayon sa pulisya.

Dagdag pa ng pulisya , ayon kay Kamata , siya ay dumadanas ng matinding pagkabalisa sa pagpapalaki ng kanyang anak at ikinahihiya niya ang kanyang sarili, kaya nais niyang patayin ang bata at mabilanggo.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund