Ayon sa WHO: 40% ng mga coronavirus infection ay galing sa mga asymptomatic na tao

Sinabi ng World Health Organization na ayon sa mga sinagawang research, 40% ng mga impeksyon sa coronavirus ay sanhi ng mga taong nagdadala ng virus ngunit walang pinapakitang sintomas o ang tinatawag na silent virus carrier. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspAyon sa WHO: 40% ng mga coronavirus infection ay galing sa mga asymptomatic na tao

Sinabi ng World Health Organization na ayon sa mga sinagawang research, 40% ng mga impeksyon sa coronavirus ay sanhi ng mga taong nagdadala ng virus ngunit walang pinapakitang sintomas o ang tinatawag na silent virus carrier.

Ang pinuno ng WHO Emergency Program na si Michael Ryan, at ang pinuno ng teknikal para research ng coronavirus na si Maria Van Kerkhove, ay isiniwalat ito sa isang session ng Q&A sa social media noong Martes.

Sinabi ni Van Kerkhove na ang ilang mga tao na asymptomatic ay maaaring makapang hawa ng virus. Ipinahiwatig niya na ang mga silent carrier ng virus ay nakakahawa din tulad ng mga carrier na may mga sintomas

Pinayuhan niya ang mga tao sa mga lugar kung saan kumakalat ang impeksyon na palaging magsuot ng mask at mag practice ng social distancing.

Nabanggit ni Ryan na ang mga cluster ay natagpuan sa mga gym at karaoke club sa Japan.

Sinabi niya na ang virus ay naroroon sa itaas na respiratory tract na malapit sa bibig, hindi tulad ng mga pathogen ng MERS at SARS.

Idinagdag niya na ang mga pag-aaral na iminumungkahi na ang virus ay maaaring maipadala kapag ang mga nahawaang tao ay nagsasalita nang malakas o huminga nang malakas lalo na sa gym kung saan nagbubuhat ng mabigat at nagrerelease ng malakas na paghinga.

Source:NHK World

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund