Ang wage subsidy o ayuda ay nabinbin sa pangalawang pagkakataon dahil sa online glitch

Sa ngayon ang 1,855 na firms na nagpasa ng aplikasyon online ay kinakailangan muling mag-pasa ng aplikation sa pamamagitan ng personal na pagpunta sa Regional Labor Bureaus at Public Job Placement Offices.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspAng wage subsidy o ayuda ay nabinbin sa pangalawang pagkakataon dahil sa online glitch

Sa ikalawang pagkaka-taon, hinaharap ngayon ng Labor Ministry ng Japan ang pagkaka-siwalat ng datos mula sa isang online system na ginagamit para sa mga negosyong nais  mag-apply ng ayuda.

Ang naturang online system ay inilunsad nuong ika-20 ng Mayo, 2020 ngunit agarang sinuspinde ilang oras matapos matuklasan ng mga opisyales na na-kompromiso ang personal na detalye ng mga aplikante.

Sinasabing na-ayos ang naturang online system at muling nag-bukas sa publiko netong ika-5 ng Hunyo, 2020 ngunit agaran din nahinto matapos ang ilang araw nang madiskubre na ang mga datus ay muling nakumpromiso.

Ayon sa Ministry Officials may isang aplikasyon na ipinasa ng isang kumpanya mula sa kanlurang bahagi ng Japan ang nailathala sa publiko kapag pinindot ang back button ng isang specific page.

Ayon pa sa mga opisyal nakompromiso ang mga personal na impormasyon tulad ng mga pangalan, kapanganakan at sweldo ng apat na katao, at ito ay nakita ng 10 corporate entities.

Ang nasabing ayuda ay tulong para sa mga kumpanya na mabayaran ang mga mangagawang nawalan ng kabuhayan dahil sa pandemia.

Nuong Martes, humigi ng paumanhin ang Labor Minister na si Kato Katsunobu, sa pangyayari at nagbigay ng kasiguruhan na sila ay kasaluyang nakikipag-ugnayan sa mga eksperto upang maayos ang naturang glitch.
Umaasa din ang Labor Minister na maayos ang problema sa lalong madaling panahon ngunit wala pang tiyak na time frame.

Sa ngayon ang 1,855 na firms na nagpasa ng aplikasyon online ay kinakailangan muling mag-pasa ng aplikation sa pamamagitan ng personal na pagpunta sa Regional Labor Bureaus at Public Job Placement Offices.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund