Ang paglalakbay mula Japan patungong Vietnam bahagyang ipagpatuloy sa Huwebes

117 bansa at rehiyon ang nagpataw ng mga paghihigpit sa pagpapasok ng dayuhan sa kanilang bansa na mula sa Japan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Tokyo- Ang pag-lalakbay mula Japan patungong Vietnam ay bahagyang magpapatuloy sa linggong ito, sinabi ni Foreign Minister Toshimitsu Motegi noong Martes, palatandaan ng unang hakbang sa pag-alis ng mga pag-hihigpit sa paglalakbay na naglalayon pagiwas sa pagkalat ng coronavirus.

Tatlong chartered flight na naglululan ng 440 negosyante ay nakaiskedyul mula Huwebes hanggang Sabado, ang Vietnam ay sumang-ayon na tanggapin ang Travelers on Condition at kanilang sinang-ayunan ang mga hakbang para makaiwas sa pagkalat ng virus, saad ni Motegi sa isang pagpupulong.

Ang Vietnamese Airlines ay inayos sa Japanese Chamber of Commerce and Industry sa Vietnam. Sila ay magpapahimpapawid mula sa paliparan ng Narita patungong Van Don International Airport malapit sa Ha Long, Hilagang Vietnam.

Sinasabi ni Motegi noong nakaraang Biyernes na ang Japan at Vietnam ay nagkasundo sa pagluwag sa ilang paghihigpit patukoy sa paglalakbay ” Bahagya at paunti-unti” at ” Hindi ito magtatagal” bago maglakbay sa pagitan ng dalawang bansa.

Hindi agad malinaw kung kailan magaganap ang unang flight mula Vietnam patungong Japan.

Ang Japan ay kasalukuyang may Entry Ban sa 111 na bansa at rehiyon, kasama ang mga dayuhang manlalakbay na napunta sa alinman sa mga lugar sa loob ng 14 araw mula sa kanilang pagdating ay hindi pinapapasok sa bansa. 117 bansa at rehiyon ang nagpataw ng mga paghihigpit sa pagpapasok ng dayuhan sa kanilang bansa na mula sa Japan, ayon sa Japan Foreign Ministry.

Kasama ng Vietnam, ang Japan ay nakikipag-ugnayan sa Australia, New Zealand at Thailand upang parehong mapagaan ang mga paghihigpit sa paglalakbay sa mga manlalakbay na nagnegatibo sa test para sa Covid-19 bago ang pagalis at pagdating at pagsumite ng iteneraryo kung saan nakasaad ang kanilang mga bibisitahing lugar.

Ang pamamaraan na ito ay magkakatulong sa mga negosyante upang makaiwas sa mandatory 14-Day Quarantine Period.at nagpapahintulot sa kanila na magtrabaho kahit na may ilang mga paghihigpit sa paggalaw.

Source: Japan Today

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund