Ang naarestong ex-justice umamin sa pagbibigay ng pera , ngunit hindi sa pagbili ng boto

Si Katsuyuki Kawai, isang miyembro ng House of Representatives, ay nagsilbing punong- tagapagpayo ni Abe para sa Foreign Affairs at pansamantalang inukupa ang posisyon bilang Justice Minister pagkatapos ng Upper House Election.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Former Justice Minister Katsuyuki Kawai

Tokyo- Ang inaresto na dating Justice Minister Katsuyuki Kawai ay umamin sa pamamahagi ng pera sa mga lokal na mambabatas at taga-suporta ngunit kaniyang mariing itinanggi ang pagbili ng boto ng kasagsagan ng pangangampanya ng kanya asawa nuong halalan ng nakaraang tag-init.

Si Kawai, 57, nakilala sa pagkakaroon ng malapit na pakikipag-unayan kay Prime Minister Shinzo Abe at ang kanyang asawang mambabatas na si Anri, 46, ay naaaresto noong Huwebes sa hinala na pagmimigay ng tinatayang 25.7 milyong yen sa 94 lokal na pulitiko at tagasupporta upang gantimpalaan sila sa kanilang pagsisikap na masecure na ang mga boto para sa kanya sa halalan ng House of Councillors noong Hulyo.

Naiulat din na ang mga listahan ay umaabot sa 100 katao ang tumanggap ng bayad mula kay Shinsuke Takaya, 44, isang dating malapit na tauhan ni Katsuyuki Kawai. Kasalukuyang, nililitis si Takaya sa kasong pagsuhol sa mga nangangampanya sa halalan.

Ang mga nasabing listahan ay kinumpiska ng mga tagausig ng Hiroshima mula sa bahay ng mag-asawa noong Enero. Sa 94 mga tao na di umano’y nakatanggap ng pera, nasa 40 naman ay miyembro ng Prefectural Assembly ng Hiroshima at iba pang lokal na pulitiko.

Napagtutun ng mga tagausig na si Katsuyuki Kawai ang namuno sa pangangampanya ng kanyang asawa noong nakaraang halalan at siyang nagdesisyon sa pamimigay ng pera, na mariing itinatanggi ng mag-asawang Kawai.

Si Takaya ay nagtrabaho bilang State-Paid Secretary, ngunit nagbitiw sa kaniya posisyon matapos makasuhan noong Marso dahil sa pagbabayad sa 14 na okasyon sa halagang
2.04 milyong yen hanggang 14 na campaign staff ni Anri Kawai sa pagitan ng Hulyo 19 at 23 noong nakaraang taon, na lagpas sa ligal na limitasyon ng 15,000 yen bawat tao.

Sa panahon ng pangangampanya sa Hiroshima Constituency, si Takaya ay namamahala sa mga ugnayan ng media at tumutulong sa mga aides ni Abe, na bumisita sa distrito upang ipaalam ang kanya pagsuporta. Si Anri ay nanalo.

Si Katsuyuki Kawai, isang miyembro ng House of Representatives, ay nagsilbing punong- tagapagpayo ni Abe para sa Foreign Affairs at pansamantalang inukupa ang posisyon bilang Justice Minister pagkatapos ng Upper House Election.

Source and Image: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund