Ang kalahati ng mga telecommuters sa Japan ay nagtatrabaho ng mas mahabang oras kaysa dati bago ang pandemya: Rengo

Ipinakita nito na 65% ng mga nagtatrabaho lampas sa kanilang regular na oras sa bahay ay hindi nireport ang kanilang overtime, at nagiging corporate culture ang hindi pagrereport nito.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Makikita sa larawan na nag-tatrabaho sa kanyang tahanan ang lalaki habang nag-lalaro sa tabi ang kanyang anak.

Tokyo- Isang survey ng pinakamalaking labor organization sa Japan ay nagkapagtala ng 52% na survey sa mga nagumpisa sa teleworking dahil sa coronavirus pandemic ang nagtatrabaho ng mas mahabang oras, sabi ng unyon noong Miyerkules.

Ang Japanese Trade Union Confederation, na kilala bilang Rengo, ay nagsabi sa online survey nito na ihayag din na maraming tao ang hindi nagrereport ng overtime, na sanhi ng matinding hamon sa pamamahala ng Labor Management ng mga teleworker.

“Ang mga manggagawa at employers ay dapat na naguugnayan sa bawat isa upang magtakda ng mga patakaran para sa teleworking ng mabilis” sinabi ni Rengo President Rikio Kozu.

Ang survey ay isinagawa noong unang bahagi ng Hunyo na nagtatarget sa mga taong may edad 18 hanggang 65, na nagsimula ng telecommuting noong Abril o mas matagal na, matapos ang maraming mga opisina ang nagpakilala sa sistemamg ito upang maiwasan ang pagkalat ng virus. Nasa 1,000 katao sa buong Japan ang nagbigay ng kanilang saloobin.

Ipinakita nito na 65% ng mga nagtatrabaho lampas sa kanilang regular na oras sa bahay ay hindi nireport ang kanilang overtime, at nagiging corporate culture ang hindi pagrereport nito.

Tungkol sa mga gastusin gawa ng teleworking, kasama ang internet connection at mga bayatin sa mobile phones, mga 66% ang nagsabing nagbabayad sila ng mga ito ng galing sa kanilang sariling bulsa, habang 20% ang nagsabing nakakatanggap sila ng mga subsidyo mula sa kanilang mga lugar ng trabaho.

Ang tanong tungkol sa mga benepisyo ng teleworking sa isang multiple-choice question, nasa 75% ang nagsabing maari nilang mas magamit ang kanilang oras dahil hindi kailangan magsayang ng oras sa pakocommute.

Tulad ng tungkol sa mga pagkukulang, 45% ang nagsabing mayroon silang problema sa paghihiwalay ng trabaho sa iba pang bagay. at 38% ang nagsabing namiss nila ang pakikihalo-bilo sa kaniang mga boss at katrabaho.

Kabilang sa mga kabataan , nasa 70% ang nagsabi na nahihirapan silang magtelework, lalo na sa mga preschooler na kailangan nilang alagaan at makipaglaro.

Maraming paaralan at Day-Care Centers ay sarado sa panahon ng State of Emergency na idineklara noong Abril at natapos noong huling bahagi ng Mayo, kaya napilitan ang mga magulang na magalaga ng anak habang nagtatrabaho sa bahay.

Source and Image: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund