Osaka- ang isang 74 anyos na ginang na natagpuang walang buhay sa balkonahe ng kanyang apartment sa Osaka nuong Linggo ay namatay ng dahil sa heatstroke, sa kabila ng isang pares ng gunting na nakausli sa kanyang ulo ayon sa pulisya.
Iniulat ng Fuji TV ang pahayag ng pulisya patungkol sa autopsiya na isinagawa nuong Lunes, nasiwalat na ang sanhi ng kanyang pagkamatay ay heat stroke at pinapaniwalan na hawak ng ginang ang guting na tumusok sa kanyang ulo badang likod ng kanyang kanang tainga, ng siya ay bumagsak sa sahig.
Isang kapitbahay ang nakapansin sa nakahadusay na ginang sa balkonahe ng kanyang tirahan sa Nishinari Ward dakong alas-2:30 ng hapon at daliang tumawag sa 119.
Ayon pa sa pulisya, ang babae ay natagpuang wala nang buhay at nakahandusay sa sahig ng pinangyarihan. Sinabi din ng pulisya na naka-lock ang front door ng apartment at walang bakas ng panloloob.
Dagdag pa ng pulisya, walang air conditioning ang apartment at nakita sa footage ng cctv sa kalapit na kalye na naglalakad papunta sa balkonahe ang matandang babae pagkatapos ay tila nahihilo at babagsak.
Source: Japan Today
Image: Gallery
Join the Conversation