Ang seasonally- adjustment unemployment rate sa Japan ay tumaas sa 2.9 % noong Mayo,umakyat sa 0.3% na puntos mula ng nakaraang buwan.
Ang pigura na iniulat ng Internal Affairs Ministry noong Martes, ay ang pinakamataas mula noong Mayo 2017. Ito ay tumaas sa ikatlong sunod-sunod na buwan.
Ang bilang ng mga walang trabaho ng Mayo ay tumaas ng apat na sunod-sunod na buwan sa 1.98 milyon. Tumaas ito ng 333,000 mula sa ng nakaraang taon, na siyang pinakamataas na naitala simula noong Enero 2010.
Ang bilang ng mga taong may mga trabaho ay bumaba sa dalawang magkasunod na buwan. Ito ay naitalang nasa 66.56 milyon, at lumagapak sa 760,000 taon-taon.
Ang mga di-regular na manggagawa , kabilang ang mga part-timers at mga pansamantalang empleyado ay bumaba ng 610,000 hanggang 20.45 milyon.
Itituring na sanhi ng Ministry ang pagtaas ng bilang ng mga walang trabaho ng mga manggagawa na napilitang iwanan ang kanilang mga trabaho dahil sa pandemya ng coronavirus.
Source: NHK World Japan
Join the Conversation