Ang 50% kabataan ay nakakadama ng gap sa edukasyon matapos ipasara muli ang mga eskwelahan dahil sa banta ng coronavirus

Sa kaganapan ng muling pagsasara ng klase 50.8% ang nagsabing ang mga paaralan ay dapat ipatupad at ipanatili ang mga online classes.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Tokyo- Mahigit 50% ng mga batang may sapat na gulang sa Japan ang nagsabi na nararamdaman nila na mayroong gap sa kanilang pagkakataon sa pag-aaral na naa-access nila kung ihahambing sa mga ibang pang mag-aaral sa pagsasara ng klase sanhi ng pagkalat ng coronavirus, ayon sa isang kamakailang survey.

Ang online survey, na isinagawa ng isang Tokyo- based Non-profit Organization na Nippon Foundation, ay nagkapagtala ng 58.6 % ng mga respondents na may edad 17 hanggang 19, na nakakadama ng hindi pagkakapantay-pantay nang pagkakataon sa edukasyon sa panahon ng pandemya, na may iilan na nakapansin ang kakulangan ng mga online classes sa ilang mga paraan sa panahon ng pagsasara ng mga paaralan.

Sa survey noong Mayo 26 hanggang 28 sa 1,000 katao, ang ilan ay nagsabing mayroong malaking pagkakaiba-iba , depende sa lokasyon at sitwasyong ng pamilya kung saan nakadepende ang kanilang access sa edukasyon, tulad ng kung mayroon silang paraan upang ma-secure ang kanilang pangangailangang kagamitan para sa online na pagaaral

At tungkol sa kanilang patuloy na pagkabahala dahil sa extended na pagsasara ng klase. Sa mga nababahala sa kanilang pag-aaral ay nagtala ng pinaka-malaking bilang sa 37.4%, habang sa 20.3% sa mga ito ay nakikipagugnayan sa kanilang mga kaibigan. Ang mga kabataang nababahala tungkol sa mga entrance exams para sa higher education o sa kanilang mga gustong trabaho ay umabot sa 17.8%.

Sa isang seksyon may maaaring magkumento, ang ilan sa mga sumulat ay nagaalangan tungkol sa kanilang mga unang online classes at hindi sila makagawa ng mga bagong kaibigan sa pagpasok ng unibersidad.

Sa isang multiple answer sa mga potensiyal na solusyon para makagawa ng paraan sa pagkaantala ng kanilang pag-aaral, nasa 52.5% ay may panukala sa dagdag online classes.

Nasa 38.8% naman ang kabuuan na nagsasabing ang mga paaralan ay dapat magbawas ng holidays , tulad ng summer vacation, isang hakbang na
pinagaaralan at malamang na ipatupad ng lokal na pamahalaan.

Sa kaganapan ng muling pagsasara ng klase 50.8% ang nagsabing ang mga paaralan ay dapat ipatupad at ipanatili ang mga online classes.

” Sa kabila ng kanilang mga pag-aalinlangan tungkol sa mga virtual classes, maaaring inaasahan nila na maaring ma-alis ang hindi pagkakapantay-pantay o pagka-antala sa edukasyon sa sanhi ng pag-kalat ng virus” ika ng Foundation.

Source: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund