Prime Minister Abe Shinzo, ay nag-babala laban sa 2nd wave ng coronavirus sa Japan. Hinihikayat niya ang mga mamamayan na huwag maging kampante na mapupuksa ang virus sa darating na mga buwan ng tag-init.
Nag-salita si Abe sa isang live streamed na programa nuong Linggo ng gabi. Aniya, hindi dapat maging kampante ang mga tao ngayong tag-init dahil may kakayahan ang virus na kumalat kahit na sa pinakamaiinit na bansa gaya ng Middle East.
Binigyang diin ng Punong Ministro ang pag-hahanda sa 2nd wave sa pamamagitan ng pagpa-palakas at pagpa-patibay sa Healthcare System at dagdag na virus testing.
Dagdag pa ni Prime Minister Abe na ang mga paghi-higpit sa International travels ay unti-unting malilift, habang ang kontra-virus ay kasalukuyang pinuproseso.
Ayon pa kay Abe maingat na pinag-aaralan ng gobyerno ang mga pagpapagaan sa mga kasalukuyang paghi-higpit , habang isinasa-alang-alang ang mga sitwasyon ng impeksyon sa mga indibiduwal na bansa.
Aniya, ang pananaliksik sa bakuna laban sa coronavirus ay kasalukuyang isisinasa-gawa na sa Japan, habang ang patuloy na development ng nasabing vaccine ay sinisikap maisagawa ng Estados Unidos at Britania. Dagdag pa niya na patuloy din nakikipag ugnayan ang Japan sa mga bansang ito hanggang sa makumpleto ang pananaliksik sa naturang bakuna.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation