200 branch ng Joyfull magsasara dahil sa pagkalugi sanhi ng coronavirus

Inihayag ng operator ng Japanese fast food chain na Joyfull na magsasara ang halos 200 na branches na mahina ang benta simula sa Hulyo, dahil sa pagbagsak ng bilang ng customer sa gitna ng coronavirus pandemic. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbsp200 branch ng Joyfull magsasara dahil sa pagkalugi sanhi ng coronavirus

FUKUOKA – Inihayag ng operator ng Japanese fast food chain na Joyfull na magsasara ang halos 200 na branches na mahina ang benta simula sa Hulyo, dahil sa pagbagsak ng bilang ng customer sa gitna ng coronavirus pandemic.

Ang kumpanya, na nakabase sa timog-kanlurang lungsod ng Oita, ay nagpapatakbo ng 713 na branch sa rehiyon ng Kyushu at iba pang mga lugar noong Hunyo 8. Kasunod ng viral na outbreak sa Japan, ang benta nito ay bumagsak at naging kalahati noong Abril at Mayo kumpara sa parehong buwan noong nakaraang taon. Plano ng firm na ilabas ang isang pagtatantya ng kinita nila pagkatapos makalkula ang mga epekto ng pagbagsak.

Ang coronavirus pandemic ay madaming naapektuhan na businesses lal9 na sa mga restaurants. Ang isa pang pangunahing diner operator ay ang Royal Holdings Co na isasara ang 70 nilang branch kabilang ang mga restaurant nilang Royal Host sa pagtatapos ng 2021, habang ang izakaya restaurant operator na Watami Co, at Kappa Sushi conveyor belt sushi bar chain operator Colowide Co., ay parehong inihayag ang mga plano na mag downsize ng kanilang mga kainan.

(Japanese original ni Yoshihito Asano, Kagawaran ng Balita ng Kyushu)

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund