20 taong gulang na babae arestado sa pag abandona ng bagong silang na sanggol sa toilet ng park

Ang mga pulis sa Nishio, Aichi Prefecture, ay inaresto ang isang 20-anyos na babae sa hinala na pag-abandona ng katawan ng kanyang bagong silang na batang lalaki sa loob ng toilet sa isang park. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbsp20 taong gulang na babae arestado sa pag abandona ng bagong silang na sanggol sa toilet ng park

AICHI

Ang mga pulis sa Nishio, Aichi Prefecture, ay inaresto ang isang 20-anyos na babae sa hinala na pag-abandona ng katawan ng kanyang bagong silang na batang lalaki sa loob ng toilet sa isang park.

Ayon sa pulisya, si Yu Takimoto, isang mag-aaral sa isang vocational school, ay inamin siya ang nag abandona sa bata, na may nakakabit pang umbilical chord at nakasilid sa isang plastic bag, sa toilet noong Hunyo 2 ng umaga, iniulat ng Sankei Shimbun. Sinabi ng babae sa pulisya na ipinanganak niya ang sanggol sa loob ng banyo.

Ang labi ng sanggol ay natagpuan ng isang empleyado na caretaker ng park ng bandang mga 2:50 p.m. ng parehong araw. Walang namang bakas ng sugat o pinsala sa katawan ng bata.

Sinabi ng pulisya na ang ina ni Takimoto ay tumanggap ng isang tawag mula sa paaralan ng suspect na hindi siya pumasok sa araw na iyon. Pinuntahan siya ng ina at nakita siya sa park ng bandang tanghali. Dinala niya ang kanyang anak na babae sa isang ospital kung saan ipinagbigay-alam ng mga doctor sa pulisya na may isang babae na nanganak ngunit hindi niya kasama ang sanggol.

Naghintay ang mga pulisya hanggang sa maka-recover si Takimoto bago siya arestuhin.

© Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund