2 years old na batang babae patay nang maiwan sa sasakyan ng pitong horas

Isang 2-taong-gulang na batang babae ang namatay noong Miyerkules matapos na makalimutan siya ng kanyang ama sa loob ng sasakyan ng pitong oras habang ito ay nagta-trabaho sa kanyang bahay sa Tsukuba, Ibaraki Prefecture #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbsp2 years old na batang babae patay nang maiwan sa sasakyan ng pitong horas

TSUKUBA

Isang 2-taong-gulang na batang babae ang namatay noong Miyerkules matapos na makalimutan siya ng kanyang ama sa loob ng sasakyan ng pitong oras habang ito ay nagta-trabaho sa kanyang bahay sa Tsukuba, Ibaraki Prefecture, sinabi ng pulisya.

Natagpuan ng ama ang kanyang anak na babae, na wala ng malay at hindi na humihinga, sa likurang upuan ng kanyang sasakyan bandang 3:20 p.m. at siya ay idineklarang patay sa ospital, sinabi ng pulisya.

Ayon sa pulisya, hinatid ng 40-anyos na lalaki ang kanyang 8-taong-gulang na anak na babae sa kanyang elementary school bandang alas-8 ng umaga at kasama ding nakasakay sa sasakyan ang 2 taong gulang na anak.

Pagkatapos ay bumalik ang ama sa kanyang bahay ngunit nakalimutan niya na ang bunsong anak ay nasa likuran ng sasakyan at nagtrabaho siya sa kanyang bahay ng maraming oras. Bandang 3 p.m., bumalik siya sa paaralan upang sunduin ang panganay na anak at doon niya pa lamang napansin pagdating sa parking ng eskwelahan na naiwan niya pala ang kanyang bunso sa likod ng sasakyan.

Ang mataas na temperatura noong araw na iyon sa Tsukuba ay umabot sa 27.8 C ng bandang tanghali, ayon sa ahensya ng Meteorological Japan.

© KYODO

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund