Ang mga tao sa Tokyo ay ini-enjoy ang unang weekend mula nang alisin ang state of emergency sa sentro ng Japan na idineklara dulot ng coronavirus.
May mga iba na maingat na pumunta sa mga shopping areas kung saan muling nag-bukas ang mga establisiyemento sa unang pagkakataon sa loob ng maraming linggo.
Mapapansin na mas lumaki ang bilang ng mga taong dumagsa sa sikat na distrito ng Shibuya matapos mai-alis ang mga restriksyon.
Kinakailangan na naka-suot ng mask ang mga mamimili at mga staff sa loob ng department store. May mga floor markings din upang ipa-alala sa mga tao na mag-lagay ng distansiya.
Papayagan ng Tokyo na muling mag-bukas ang mga gym, sinehan at ilang mga tindahan na nag-bebenta ng mga non-essential goods sa ika-1 ng Hunyo. Patuloy na ire-request ng pamahalaan na ihinto ang pag-serve ng pagkain at inumin sa mga restaurants at coffee shops pag-sapit ng 10:00 pm.
Ibang istorya naman ang sa southwestern city ng Kitakyushu, kung saan nananawagan ang mga awtoridad sa mga residenteng naninirahan sa lungsod na manatili sa loob ng kanilang tahanan dahil sa panibagong mga kaso ng coronavirus.
Nag-tala ng bagong record ng impeksyon ang lungsod sa loob ng pitong araw na umabot hanggang Biyernes, ang bilang nito ay umabot na sa 69 katao.
Mahigit 16,800 katao ang nag-positibo sa virus matapos masuri sa buong bansa at umabot din ng 890 katao ang namatay dahil dito.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation