Truck driver arestado sa pag-shoplift ng 40 na face masks

Isang lalaki ang naaresto on the spot noong Mayo 3 sa lungsod ng timog-kanlurang Japan dahil sa pag-shoplift ng 40 na face mask mula sa isang supermarket, sabi ng pulisya. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
The Fukuoka Prefectural Police’s Kokurakita Police Station is seen on Feb. 27, 2019. (Mainichi/Kimiya Tanabe)

KITAKYUSHU – Isang lalaki ang naaresto on the spot noong Mayo 3 sa lungsod ng timog-kanlurang Japan dahil sa pag-shoplift ng 40 na face mask mula sa isang supermarket, sabi ng pulisya.

Ang 54-taong-gulang na suspek, isang truck driver ay nagsabing, “Ang mamahal ng mask kaya sa isip ko nanghihinayang ako sa pera na ipambabayad ko” Inamin niya ang mga paratang laban sa kanya, ayon sa Kokurakita Police Station ng Fukuoka Prefectural Police.

Nahuli ng pulisya ang lalaki na nag-shoplift ng tatlong bag na naglalaman ng 10 mask kada isa at dalawang bag na may limang mask bawat isa, na may total na halagang 3,195 yen, mula sa isang outlet ng “Supercenter Trial” sa Kokurakita Ward nang bandang 3:40 p.m. noong Mayo 3. Pinigilan ng isang security guard ang suspek habang siya ay papalabas na ng shop matapos niyang makita ang suspect na nilagay ang mga produkto sa loob ng kanyang bag, agad naman nireport at nag-surrender siya sa mga police.

Ang suspek, na nakasuot din ng mask nang oras ng insidente ay pumunta sa store kasama ng isang kaibigan.  Sinisiyasat ng pulisya ang detalyadong motibo sa likod ng krimen.

(Japanese original Akiho Narimatsu, news in Kyushu)

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund