Maaari nang alisin ng gobyerno ng Japan ang state of emergency sa Tokyo at apat pang prepektura sa Lunes dahil sa patuloy na progreso sa pagsisikap na ma-contain ang bagong coronavirus.
Ang huling desisyon ay malalaman sa Lunes matapos ang marinig ang pananaw ng mga eksperto. Ang ibang prepektura ay Kanagawa, Chiba at Saitama na siyang karatig lugar ng kapitolyo at ang Hokkaido na nasa hilaga.
Nagkaroon ng 3 bagong impeksyon sa Tokyo nuong Biyernes. Ang bilang ng mga nakarang araw ay mababa na sa 0.5 kada 100,000 katao— isa ito sa criteria upang maalis ang emergency.
Samantalang ang bilang sa Kanagawa at Hokkaido ay nananatiling mataas pa rin.
Nitong Biyernes, sinabi bi Nishimura Yasutoshi, Economic Revitalization Minister na patuloy bumababa ang bilang ng mga bagong kaso ng pagka-hawa ng sakit na coronavirus at ang mga sitwasyon sa mga medical facilities ay bumubuti na rin sa halos laht ng prepektura. Nag-bigay siya ng suhestiyon na maaaring maalis na ang state of emergency kung magpapatuloy ang kasalukuyang sitwasyon.
Matapos ma-alis ng gobyerno ang state of emergency sa lahat ng prepektura, plano nito mag issue ng basic guidelines kung paano ipag-patuloy o ibalik ang mga social at economic activities, kabilang ang large-scale events, mag-travel nationwide at pag-promote ng turismo.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation