State of Emergency ma-extend hanggang katapusan ng Mayo

Sinabi rin ni Abe na plano niyang tanggalin ang emergency bago sumapit ang ika-31 ng Mayo, kung ito ay sasabihing posible ng mga eksperto.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspState of Emergency ma-extend hanggang katapusan ng Mayo

Ang pamahalaan ng Japan ay napag-desisyonan na pahabain ang state of emergency sa buong bansa hanggang sa katapusan ng buwan. Ito ay orihinal na naka-takdang matapos nitong Miyerkules.

Nag-pulong ang mga miyembro ng special task force sa tanggapan ng Punong Ministro nitong Lunes.

Ayon sa Punong Ministro na si Shinzo Abe, ang Japan ay hindi nakaranas ng matinding pag-taas ng bilang ng mga nagka-impeksyon na tulad ng nakikita at nababalitaan sa ibang mga bansa.

Sinabi niya rin na ang normal na bilang ng mga malulusog na taong nahawaan ng isang contagious person ay bumaba na, na nag-sasaad na ang outbreak ay humuhupa na.

Ngunit sinabi rin ng Punong Ministro na sa puntong ito mayroon pa rin kabuluhan ang bilang ng mga bagong inpeksyon at ang bilang ng pag-baba ay hindi pa kaaya-aya.

Ipinahiwatig rin ni Abe na ang mga eksperto ay nag-sabi na kailangan pang pigilan ang kasalukuyang social restriction sa ilang mga lugar sa bansa dahil hirap pa ang medical system sa kasalukuyang sitwasyon.

Samantalang, sinabi rin ni Abe na plano niyang tanggalin ang emergency bago sumapit ang ika-31 ng Mayo, kung ito ay sasabihing posible ng mga eksperto. Dinagdag niya na ang mga miyembro ng grupong ito ay sasailalim sa matinding pag-analyze ng sitwasyon bandang ika-14 ng Mayo.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund