Sa Japan, mas maraming nakikitang nakamamatay na aksidenteng pantrapiko sa siyudad

Pinapayuhan ng mga pulis ang lahat na mag-ingat sa pag-mamaneho, dahil naniniwala sila na ang mga driver ay nagiging pabaya at nag-mamaneho ng mabilis sa walang lamang kalsada.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspSa Japan, mas maraming nakikitang nakamamatay na aksidenteng pantrapiko sa siyudad

Ayon sa Japanese police, ang kabuoan ng trapiko sa buong bansa ay bumagsak sa panahon ng coronavirus outbreak, na nangunguna sa malaking pag-baba ng mga aksidenteng pang-trapiko.

Subalit, nagkaroon ng pag-taas sa bilang ng mga nakamamatay na aksidenteng pang-trapiko sa mga siyudad. Suspetsa ng mga pulis na ang dahilan nito ay sanhi ng agresibong pag-mamaneho sa walang trapikong kalsada.

Sinabi ng National Police Agency na ang bilang ng aksidenteng pang-trapiko ay nag-reresulta sa pinsala at kamatayan ay nasa 27,763 nitong Marso, ito ay bumaba ng 18 porsyento kumpara nuong nakaraang taon.

Bumaba ang bilang ng aksidenteng pang-trapiko ng kotse at tao mula ng tumaas ang bilang ng kaso ng coronavirus.

Ngunit tumaas naman ang bilang ng mga fatal accidents sa ilang siyudad ng ilang prepektura.

Ang Aichi Prefecture sa central Japan ang isa sa may pinaka-mataas na bilang ng traffic fatalities ngayon taon hanggang nitong ika-7 ng Mayo. Ito ay nag-tala ng 61 na patay, ito ay tumaas o nadagdagan ng 17 kumpara nuong nakaraang taon. Ang Tokyo naman ay mayroong 50, ito ay tumaas naman ng 7 mula nuong nakaraang taon.

Sinabi ng mga pulis na ang bilang ng mga aksidenteng nag-reresulta ng pinsala o kamatayan sa prepektura ng Aichi mula buwang ng Marso at Abril ay bumaba ng 30 porsyento mula sa parehong period nuong 2019. Ngunit ang fatalities ay tumaas ng 4 hanggang 28.

Pinapayuhan ng mga pulis ang lahat na mag-ingat sa pag-mamaneho, dahil naniniwala sila na ang mga driver ay nagiging pabaya at nag-mamaneho ng mabilis sa walang lamang kalsada.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund