TOKYO
Ang mga pulis sa buong Japan ay tumanggap ng 6,452 na kahilingan para sa konsultasyon sa domestic violence noong Abril, sinabi ng National Police Agency (NPA) sa linggong ito. Mas mataas ng 16 na kaso (0.2%) na mas mataas keysa noong Abril 2019.
Ayon sa police, ang mga biktima ng pang-aabuso ay mas madami ang humingi ng tulong sa gitna ng pandemic ng coronavirus dahil sa mga limitasyon o kawalan ng trabaho at mga kahilingan para sa mga mamamayan na manatili sa loob ng bahay.
Inihayag ng ulat na ang mga konsultasyon ay tumaas sa 21 na prefecture kasama ang Hokkaido sa 252 kaso (+ 77 mula noong 2019) at Hyogo sa 283 (+61). Nagkaroon din ng pagbawas sa mga kaso ng karahasan sa tahanan sa 25 na mga prefecture, kabilang ang 303 sa Aichi (bumaba ng 98 mula sa 2019). Sa kabilang banda, ang Fukushima ay may 93 kaso, na kung saan ay parehong bilang ng nakaraang taon.
Ang pinakamataas na bilang ng mga konsultasyon ay 837 kaso sa Osaka kasunod ng 680 sa Tokyo
Mula Enero hanggang katapusan ng Abril, mayroong 25,950 na kumunsulta – na mas mataas ng 500 (2% na pagtaas) mula sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Japan Today
Join the Conversation