Ang plano ng gobyerno ng Japan para sa wage subsidy ay upang maka-tulong sa mga employers na mai-retain ang mga mang-gagawa ay nagkaroon ng problema, dahil ang mga personal na impormasyon ng mga aplikante ay napa-bayaang naka-ladlad sa kanilang online system.
Nag-simulang tumanggap ng aplikasyon online nuong Miyerkules, ngunit makalipas ang ilang oras ang system ay na-suspende habang sina-sagot ang mga katanungan ng mga aplikante.
Ang sistema ay parte ng hakbang upang mapa-dali ang proseso ng aplikasyon, upang ang mga kumpanyang nahihirapang panatilihin sweldohan ang kanilang mga mang-gagawa sa gitna ng coronavirus outbreak ay maka-hingi agad ng tulong.
Iniimbestigahan na ng mga opisyales ang sanhi ng pagka-sira ng sistema, na siyang nag-labas ng mga personal na impormasyon ng mga aplikante na nag-apply sa kanilang website tulad ng pangalan, e-mail address, at telepono.
Sinabi nila na binigyan ang mga ito ng parehong ID’s nuong sila ay nag-rehistro sila gamit ang sistema sa tinatantiyang paherong oras.
Ayon sa ministeryo, aabot ng 2,000 katao ang nagpa-rehistro bago pa ito ma-suspende, ngunit hindi malinaw kung ilan sa kanila ang lumabas ang personal na impormasyon.
Sa kasalukuyan ay sinusubukang ayusin ng ministeryo ang sira sa sistema ngunit hindi pa masabi kung kailan maaari muling simulan ang online service.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation