TOKYO
Isang pedestrian na babae ang nasagasaan at napatay ng isang kotse na hinabol ng mga pulis sa Tokyo nitong Miyerkules ng hapon.
Ayon sa pulisya, naganap ang insidente sa National Route One sa Ota Ward sa 12:50 p.m., iniulat ng Fuji TV. Nagsimula ang insidente mga 15 minuto bago nito, nang ang 31-taong-gulang na babaeng driver ng kotse ay pinara at tinanong ng pulisya matapos silang makatanggap ng ulat tungkol sa isang kotse na tumatakbo na kahina-hinala sa Shinagawa Ward. Habang siya ay tinatanong pinaharurot na pinatakbo nya ang kanyang sasakyan.
Sa isang oras na paghahabol ng mga pulis, ang kotse ay tumakbo sa ilang mga red stop light, at pagkatapos ay dumaan sa isang bangketa ng mga 60 metro, nabangga siya sa isa pang kotse at bumangga siya sa kongkretong pader na nakapaligid sa isang hardin sa labas ng isang gusali sa apartment.
Isang 34-anyos na babae ang naglalakad nang siya ay maipit sa banggaan. Ang babae, na si Yu Takahashi, ay isinugod sa ospital ngunit namatay mula sa kanyang mga pinsala ilang sandali matapos dumating sa ospital.
Ang driver ng sasakyan na si Marisa Nakagawa, ay nagtatrabaho sa isang restaurant sa Kawasaki City. Kalaunan ay naaresto siya sa isang malapit na apartment, kung saan tumakas siya nang tumakbo siya palabas ng kanyang sasakyan pagkatapos ng aksidente.
Sinabi ng pulisya noong Huwebes na sinabi sa kanila ni Nakagawa na bago ang insidente, naka-inom siya ng maraming gamot ngunit hindi niya tinukoy kung ano ang mga gamot na iyon.
© Japan Today
Join the Conversation