Ang ika-5 ng Mayo ay Araw ng mga Bata sa Japan. Ang bilang ng mga bata sa bansa ay taon-taong bumababa mula pa nuong taong 1982, at ngayon ay nasa pinaka-mababa na.
Ayon sa Ministry of Internal Affairs ang estimang bilang ng mga kabataan na nag-eedad ng 14 anyos o pababa ay nag total ng 15.12 milyon nitong ika-1 ng Abril, ito ay bumaba ng 200,000 mula sa pigura nito nuong nakaraang taon.
Ang mga kabataan ay bumubuo sa 12 porsyento nang kabuoang papulasyon ng Japan. Ang pigura ay bumaba ng 0.1 porsyentong punto mula pa nuong mga nag-daang mga taon. At ito ay nag-set ng mga bagong record na ito ay bumababa kada taon sa loob ng 46 na taon.
Ang pigura ng bilang ng mga kabataan kada prepektura nitong ika-1 ng Oktubre ay may parehong kwento. Sa loob ng 47 prepektura ng bansa, ang Tokyo lamang ang nag-tala ng pag-taas. Ito ang ika-anim na taon na ang kapitolyo lamang ng Japan ang nakitaan ng pag-taas ng bilang.
Ang Okinawa ang may pinaka-mataas na bilang ng bata na pumatak sa 16.9 porsyento na sinundan naman ng Shiga sa 13.8 porsyento at Saga sa 13.5 porsyento.
Ang Akita naman ang nag-tala ng pinaka-mababang bilang sa 9.8 porsyento. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang isang prepektura ay nag-tala ng mas mababa sa 10 porsyento mula ng maging available ang comparable data nuong taong 1970.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation