Pamahalaan ng Japan, minamataang mag-bibigay ng ikalawang extra budget na nagkaka-halaga ng mahigit 100 trillion yen

Sa ilalim ng isang patakaran na tinatawag na curve control, target ng BOJ ang short-term rate ng interest sa -0.1% at nangako na gagabay sa 10-taong government bonds na 0%.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspPamahalaan ng Japan, minamataang mag-bibigay ng ikalawang extra budget na nagkaka-halaga ng  mahigit 100 trillion yen

Ang package ay popondohan ng ikalawang extra budget para sa kasalukuyang taon simula nitong Abril, ay susundan ng isang talaan na $ 1.1 trilyon na plano sa paggastos na isinagawa nuong nakaraang buwan upang saluhin ang pag-bagsak ng ekonomiya dahil sa pandemya.

Ang hakbang na ito ay ang pinakabago sa pagsi-sikap ng Tokyo upang suportahan ang ekonomiya na masu-baybayan ang pinaka-matinding pagbagsak sa kasaysayan ng postwar, habang ang pandemya ay patuloy na winawasak ang mga negosyo at paggasta sa consumer.

Tinapos na ng Japan ang kanilang state of emergency sa halos lahat ng rehiyon at planong gumawa ng isang pag-pupulong sa Lunes upang mapag-desisyonan kung dapat bang itigil ang mga natitirang lugar na meron nito, kabilang ang Tokyo Metropolitan area.

” Ang ekonomiya ng bansang Japan ay nasa malubhang kalagayan at kinakailangan nating maalis sa ganitong sitwasyon sa lalong madaling panahon,” ayon kay Finance Minister Taro Aso sa mga reporters nuong Biyernes.

Ang ikalawang extra budget ay kinabibilangan ng 60 trillion yen para sa pagpapa-lawak ng mga loan programs ng mga state affiliated at private financial institutions na iniaalok sa mga kumpanyang matinding tinamaan ng virus, ayon sa peryodiko.

Ang 27 trillion yen ay itatabi para sa iba pang financial aid programs kabilang ang 15 trillion yen para sa bagong program para sa pag-bigay ng kapital sa mga nahihirapang kumpanya, dagdag pa nito.

Inaasahan ng gobyerno na ma-aprubahan ang budget, na kabibilangan rin mga subsidies upang matulungan ang mga kumpanya upang maka-bayad sila ng upa at pasweldo nuong sila ay nag-sara ng kanilang negosyo, napag-usapan sa isang pag-pupulong nuong Miyerkules.

Ang ekonomiya ng Japan ay bumagsak sa recession nitong huling yugto ng buwan, at sinabi ng mga analitiko na inaasahan pa itong bumagsak ng 22 porsyento ngayong Abril hanggang Hunyo sanhi ng krisis sa kalusugan.

Ang pinaka-masakit mula sa pandemiyang nararanasan ay pwersahang nadaragdagan ang utang ng gobyerno at ito ay doble na ang laki sa kanilang ekonomiya.

Ang banko ng Japan ay pinalawak ang monetary stimulus sa ikalawang diretsong buwan nuong Abril at nangakong bumili ng maraming bonds na kinakailangan upang ang hiniram na halaga ay walang interest.

“Ang aming balangkas ng patakaran ay maaaring mapanatili ang pangmatagalang mga rate ng interest sa pagtaas kahit na pinataas ng gobyerno ang pag-iisyu ng bonds,” sinabi ni BOJ Governor Haruhiko Kuroda sa mga mamamahayag nuong Biyernes. ”

Sa ilalim ng isang patakaran na tinatawag na curve control, target ng BOJ ang short-term rate ng interest sa -0.1% at nangako na gagabay sa 10-taong government bonds na 0%.

Source: Japan Today

Image: Image Bank

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund