Itinigil na noong Lunes ang state of emergency na ipinataw sa Tokyo at apat na iba pang mga prefecture dahil sa coronavirus pandemic at inaasahan na ang mga tao ay babalik sa kanilang mga trabaho, magbukas muli ng kanilang negosyo at ang pag resume ng mga klase sa paaralan.
Marami ang nagsabi na isa itong nakiktang pag asa na malapit ng tuluyang matapos ang pandemic at babalik na sa dati ang sitwasyon.
Ngunit may ilang mga tao na mas nadagdagan ang pag-aalala dahil masyadong maaga pa upang i lift ang state of emergency at baka ito pa daw ang maging trigger para magkar99n ng second wave ng outbreak ng virus.
Ang Punong Ministro na si Shinzo Abe noong Lunes ay inihayag na ang estado ng emerhensiya ay tinigil na sa Tokyo, Kanagawa, Chiba at Saitama pati na rin ang pinakahuli na pangunahing isla ng Hokkaido ng Japan, matapos itong itinaas sa 42 na iba pang mga prefecture ng bansa.
Ang tanging magagawa nalang ng mga mamamayan ay magpatuloy sa pag iingat lalo na sa social distancing at ang paghugas ng kamay.
@Kyodo
Join the Conversation