Share
TOKYO (Kyodo) – Napagpasyahan ng gobyerno na pagbawalan din ang resale ng disinfectant sa muling pagbukas ng ekonomiya sa buong bansa sa gitna ng pandemic ng coronavirus.
Ang mga indibidwal at mga business ay pagbabawalan sa pagbebenta ng disinfectant sa presyo na mas mataas kaysa sa orihinal na selling price nito, ayon sa source. Inaasahang aprubahan ng Gabinete ang pagbabawal ngayong Biyernes.
Ang kaparusahan ay isang taong pagkakulong sa bilangguan o di kaya ay multa na 1 milyon yen ($ 9,300) o pareho, tulad ng penalty para sa pagresale ng mga masks.
Ang resale ng high-proof na alak at sanitizing wipes na naglalaman ng alkohol ay iba-ban din, sabi nila.
Source: Mainichi
Join the Conversation