Nawawalang Vietnamese national, natagpuang patay sa Toyama

Ito ay namatay dahil sa pagka-ubos ng dugo mula sa saksak na natamo nito sa kanyang tiyan at leeg.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOYAMA (TR) – nagsagawa ng isang murder investigation ang Toyama Prefectural Police matapos nilang matagpuan ang labi ng nawawalang Vietnamese national  sa Toyama City nitong linggo, mula sa ulat ng TBS News (May 7).

Nuong Martes, ang labi ni Nguyen Van Duc, 21 anyos at isang technical intern ay natagpuan ng kanyang kakilala sa isang kanal sa labas ng kanyang tirahan.

Kinabukasan, sinabi ng Toyama-Chuo Police Station ang resulta sa isinagawang autopsy sa labi ni Nguyen, ito ay namatay dahil sa pagka-ubos ng dugo mula sa saksak na natamo nito sa kanyang tiyan at leeg. Siya ay namatay isang buwan na ang nakalilipas.

Ang katawan ni Nguyen Van Duc ay natagpuan sa loob ng kanyang tahanan sa Toyama City nuong Martes. (Twitter)

Ayon sa mga pulis, bandang ika-2 ng Abril ang huling pagkaka-alam ng kalagayan ni Nguyen. Makalipas ang 5 araw, ang mga tao nakaka-kilala sa kanya ay nag-file na ng missing person report sa pulis.

Ayon sa mga pulis, nang halughugin ang kanyang tirahan, ang ilang mga kagamitan nito ay nawawala.

Ang kakilala ni Nguyen ang naka-kita sa labi nito matapos maka-amoy ng masangsang nang ito ay pumunta duon kasama ang mga awtoridad.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund