Muling binuksan ang mga pampublikong paaralan sa Tottori Prefecture

Sinabi ng isang guro sa mga mag-aaral na pahalagahan ang kanilang pag-pasok sa paaralan dahil sa ibang prepektura ang mga bata ay hindi pa pinapa-pasok at nananatili pa rin sa kanilang mga tahanan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMuling binuksan ang mga pampublikong paaralan sa Tottori Prefecture

Ang mga pampublikong paaralan sa Tottori Prefecture sa western Japan ay muling nag-bukas sa kauna-unahang pagkaka-taon nitong Huwebes matapos ipasara ang paaralan nuong April 27.

Ang desisyon ay lumabas matapos payagan ng pamahalaan ang mga prepektura, maliban sa ibang lugar na sumasa-ilalim sa special alert, na luwagan ang ilang mga restriksyon ay mapigilan ang pag-laganap ng coronavirus.

Sa isang paaralang elementarya sa Kurayoshi City, binati ng mga guro ang mga estudyanteng nasa labas at inalam ang kanila temperatura at kalagayan ng kanilang pangkalahatang kalusugan.

Ayon sa paaralan, ang mga estudyanteng nakalimutang kuhain ang kanilang temperatura sa kanilang tahanan ay susuriin on the spot. Ang mga may lagnat ay kailangang iuwi ng magulang at papayuhang ito ay makipag-kita sa doktor.

Ang mga bintana sa loob ng mga silid-aralan ay naka-bukas at ang lahat ay naka-suot ng mask.

Ang isang klase ng ika-6 na baitang ay sinabihan ng kanilang guro na ugaliing mag-mumog at mag-hugas ng kamay, at pahalagahan ang kanilang pag-pasok sa paaralan dahil sa ibang prepektura ang mga bata ay hindi pa pinapa-pasok at nananatili pa rin sa kanilang mga tahanan.

Ang isang mag-aaral na lalaki ay nag-aalala na siya ay nahuhuli na sa kanyang pag-aaral.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund