Muli nang bubuksan ang Hiroshima Peace Memorial Museum

Sinabi rin ni Matsui na ang partisipasyon ng mga naka-ligtas sa A-bomn at ang mga maiwang pamilya ng mga nasawi rito ay hindi mawawala.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMuli nang bubuksan ang Hiroshima Peace Memorial Museum

Ang museo na nag-didisplay ng mga artifacts mula sa 1945 atomic bombing sa Hiroshima ay muling mag-bubukas sa susunod na linggo, matapos ang 3 buwang pansamantalang pag-sasarado dahil sa pandemiya na dala ng coronavirus.

Ang Hiroshima Peace Memorial Museum ay nag-sara mula nuong Pebrero, dahil sa pag-laganap ng impeksyon sa buong Japan.

Makikipag-usap sa mga mamahayag sa Lunes ang Punong Alkalde ng Hiroshima na si Mayor Matsui Kazumi upang ianunsyo ang planong muling pag-bubukas ng museo sa ika-1 ng Hunyo, kasunod ng pag-alis ng state of emergency ng central government.

Ikinukunsidera ng mga opisyales na limitahan ang mga bumibisita sa museo kada oras, at pahabain ang oras ng operations nito upang ma-accomodate ang mga tao.

Sinabi din ni Matsui na palno nitong paikliin ang seremonya na gaganapin sa ika-6 ng Agosto upang markahan ang ika-75 na anibersaryo ng atomic bombing ng Lungsod ng Hiroshima.

Ayon pa kay Matsui, mag-lalabas ng kongkretong plano ang lungsod sa susunod na buwan kung papaano gagawin ang event, alin-sunod sa hakbang ng sentrong gobyerno laban sa sakit na COVID-19.

Sinabi rin ni Matsui na ang partisipasyon ng mga naka-ligtas sa A-bomn at ang mga maiwang pamilya ng mga nasawi rito ay hindi mawawala at siya ay mag-iimbita ng mga panauhin mula sa labas ng prepektura ng Hiroshima.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund