Mukhang ibababa na ang emergency sa ilang lugar sa Japan bago sumapit ang ika-31 ng Mayo

Umabot na sa 15,777 ang mga mayroong impeksyon ng coronavirus at 624 na patay ang kinumpirma sa buong bansa nitong Linggo.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Ang mga tao sa Tokyo ay sinusunod ang social distancing habang nag-aantay ng food handouts sa isang park sa Tokyo. REUTERS/Issei Kato

“Ang pag-alis ng state of emergency sa 34 prepektura ng bansa na hindi kasali ang mga lugar na nasa ilalim ng spesific cautions ay maaaring mangyari dahil maraming prepektura ang nakikitaan ng magandang resulta kamakailan at walang mga bagong kaso ng coronavirus,” sinabi ni Nishimura sa isang debate sa isang public broadcaster NHK.

Si Nishimura, ang taong itinalaga ng gobyerno na sumagot sa pangkalahatang katanungan ukol sa coronavirus, ay nag-sabi na kabilang ang pag-baba ng bilang ng mga nagkaka-sakit kada linggo at ang bilang ng mga bagong nag-kakasakit per capita ang pinag-babasehan upang maitaas o tapusin na ang emergency.

Ini-extend ng Japan ang state of emergency sa buong bansa nuong nakaraang linggo hanggang sa katapusan ng Mayo, ngunit nag-sabi na maaari pang ma-re-assess ang sitwasyon sa isang pag-pupulong ng coronavirus task force nuong ika-14 ng Mayo at posibleng mai-taas  na ang nasabing hakbang ng mas-maaga sa ilang mga prepektura ng bansa.

Sa loob ng 47 prepektura ng bansa, itinalaga ng gobyerno ang 13 prepektura kabilang ang Tokyo at Osaka sa ilalim ng “mga prepekturang nasa ilalim ng specific cautions” kung saan ang mga nabanggit na lugar ay talamak ang pag-dami at pag-kalat ng virus.

Dinagdag pa ni Nishimura na maaaring mapasama ang ilan lugar na napapaloob sa 13 prepektura na mai-taas o tapusin ang lockdown measure bago suampit ang deadline.

Umabot na sa 15,777 ang mga mayroong impeksyon ng coronavirus at 624 na patay ang kinumpirma sa buong bansa nitong Linggo.

Source: Japan Today

Image: Reuters/ Issei Kato

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund