Ang mga magsasaka sa Yamanashi Prefecture, kanluran ng Tokyo, ay nagbenta ng mga gulay sa isang drive-through market dahil maraming mga tindahan ang nananatiling sarado dahil sa coronavirus epidemic.
Labing-apat na magsasaka ang nagtipon sa isang paradahan ng gusali ng munisipyo sa Chuo City noong Linggo. Ang mga mamimili ay naghintay ng pagbukas ng make-shift market ng 10:00 ng umaga para bumili ng mga gulay tulad ng kamatis, mga turnips at iba pang mga gulay.
Sinabi ng isang babae na nasisiyahan siya sa pagbili ng mga bamboo shoots at zucchini dahil hindi na siya masyadong nakakalabas ng bahay dahil sa takot na pumunta sa mga supermarket kung saan madami ang tao.
Si Tsukada Joji, ang pinuno ng merkado ng isang lokal na magsasaka, ay nagsabi na mabuti na ikonekta ang mga magsasaka sa mga mamimili. Sinabi niya na inaasam nilang lahat na matapos na ang virus sa lalong madaling panahon upang makapagbenta na sila ng maayos.
NHK World
Join the Conversation