Ang coronavirus outbreak ay nag-sasanhi sa kahirapan ng maraming tao sa kasalukuyan, ngunit ito rin ay nag-papalaki sa bilang ng mga taong mapagkawang-gawa.
Isang Chinese restaurant sa Tokyo ay namimigay ng mahigit 500 boxed lunch kada araw sa kanilang regular na kostumer, community residents at iba pang mga mamamayan na humaharap sa krisis sa panahong ito.
Isang weekday service ang sinimulan nuong ika-14 ng Abril, 3 araw matapos boluntariyong isinara ang kainan upang maiwasan ang panganib na mahawaan ng impeksyon.
Ang kawang -gawa na ipinakita ng may-ari ng kainan na si Li Xinghai ay ipinamalita niya sa kanyang mga suppliers, na siyang nag-alok sa kanya ng pagkain at containers ng libre o mababang presyo.
Nag-boluntariyo naman ang staff ng restaurant na gumawa ng 7 klase ng boxed lunches, kabilang sa kanilang menu ay spicy Mapo Tofu.
Ang iba naman ay nag-bibigay ng donasyon ma face mask at iba pang mga supplies. Ayon kay Li, siya ay nalulugi araw araw ngunit plano niya pa rin ipagpa-tuloy ang pamimigay ng libreng pagkain hanggang sa muling mabuksan ang kanyang kainan.
Sinabi ng isang lalaki na naka-tanggap ng libreng boxed lunch na siya ay nawalan ng trabaho at malaking tulong sa kanya ang natanggap na pagkain. Sinabi rin nito na hangad niya na maka-balik ito kasama ang kanyang pamilya sa nasabing kainan upang kumain at maibalik ang kabutihang natanggap mula dito.
Si Li ay 44 anyos at dumating sa bansa mula Tsina 22 taon na ang nakalilipas. Nag-aral siya ng wikang hapon at nag-bukas ng kanyang kainan nuong taong 2012.
Sinabi niya na marami na ang tumulong sa kanya mula ng siya ay dumating sa Japan, at hinahangad na maka-tulong sa lipunan sa pamamagitan ng “bento” boxed lunches.
Source: NHK World Japan
Join the Conversation