Ilan sa lokal na pamahalaan ay nag-oonline upang maka-konekta sa mga mamimili upang mai-benta ang espesyal na produkto sa kanilang lugar, dahil ang turismo at iba pang industriya ay dumadanas ng matinding pag-durusa sanhi ng coronavirus pandemic.
Ang prepektura ng Fukuoka sa southwestern Japan ay nag-post na ng mga pagkain, kagamitan at iba pang mga produkto ng kanilang lugar sa Rakuten online shopping mula nuong ika-2 ng Mayo.
At saka gumamit ng pondo ang pamahalaan ng prepektura mula sa kanilang budget upang mag-alok ng 30 porsyentong discount coupon, isang hakbang na napatunayang papular sa mga mamimili.
Umabot lamang ng 8 oras upang maubos ang 10,000 na coupons na maaaring gamitin sa pag-bili ng mga produkto mula sa nasabing prepektura.
Ayon sa mga opisyales, plano nilang mag-alok ng mas malaking halaga o bilang ng coupons mula sa ika-1 ng Hunyo.
Ang Hokkaido, ang prepekturang nasa pinaka-hilaga ay isang lugar na gumagamit din ng online shopping sites tulad ng Rakuten at Yahoo Japan.
Nuong Abril ay nag-simula sila ng isang special campaign at simula ngayong Lunes ay muli silang mag-aalok ng mga discount coupon.
Ang lungsod ng Miyakonojo sa Miyazaki, southwestern Japan, ay nag-simula na ring mag-benta ng kanilang lokal na pagkain at produkto online, matapos mawala ang kanilang sale channels sanhi ng nararanasang pandemiko.
Ayon sa mga opisyal ng lungsod, umabot na ng 5,000 package ng iba`t-ibang produkto ang nabenta mula buwan ng Abril.
Nakatanggap ng maraming katanungan mula sa mga lokal na pamahalaan ng gobyerno ang ilang online shopping operators dahil napipigilang mamili ang mga tao ng personal dahil sarado ang mga nag-lalakihang mga pamilihan dahil sa virus pandemic.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation