Lalaking kinukuha na ang “ayuda” nanakot na siya ay magpapa-tiwakal kapag hindi ibinigay.

Ang ayuda na nagkaka-halaga ng 10 lapad ay para sa lahat residente ng Japan bilang tugon ng pamahalaan sa coronavirus outbreak.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

CHIBA (TR) – inaresto ng Chiba Prefectural Police ang 39 anyos na lalaki matapos magdala ng kutsilyo sa munisipyo habang iniuutos na ibigay na sa kanya ang ayuda na ipinamimigay dahil sa pandemiko na dala ng coronavirus, mula sa ulat ng Jiji Press (May 13).

Bandang alas-9:15 ng umaga, dumatin sa minisipyo ng lungsod ng Matsudo si Takeshi Otani, walang trabaho at may dalang kutsilyo na may talim na16 sentimetrong haba.

“Gusto ko na ang 10 lapad ngayon. Kung hindi niyo ito ibibigay, magpapa-kamatay ako dito,” sinabi umano nito sa isang empleyado ng munisipyo.

Nang maaresto sa pag-labag sa salang Swords and Firearms Control Law, inamin ni Otani ang mga paratang laban sa kanya. “Hangad ko lang naman ay yung ayudang pang pinansyal,” sinabi umano nito sa Matsuo Police Station.

Sinabi ng staff member na kinuha ni Otani sa kanyang bag ang patalim. “Wala namang kakuluhang nangyari ngunit nakakatakot ang mga binitawan niyang salita,” sabi ng empleyado.

Ang ayuda na nagkaka-halaga ng 10 lapad ay para sa lahat residente ng Japan bilang tugon ng pamahalaan sa coronavirus outbreak.

Sinabi ni Finance Minister Taro Aso na hangad gobyerno na masimulan ang pag-hulog ng pera ng nasabing tulong ngayong buwan.

Source: Tokyo Reporter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund